PAGDASAL SA HARAP NG IMAHE
Marami ang nag inbox sa amin kung ano rin daw ang aming
pananaw hinggil sa pagdasal ni Ustadz Barcelon sa Salatul Janazah ni Kapatid na Royette Padilla sa Harap ng imahe at ito ay
nakalagay pa sa loob ng kabaong.
Ang pagdasal ni Ustadz Ahmad Barcelon sa kanya ay wala
namang problema bagkus ito ay mainam na gawain at kabilang sa karapatan ng
yumao na isagawa sa kanya ang Salatul Janazah.
Ang pagdasal sa isang Muslim na nasa loob ng kabaong ay
walang pagbabawal at wala ring problema kung ito lamang ang tanging paraan para
siya ay madasalan,
Bagkus nang tanungin si Shaikh Bin Bazz hinggil sa paglibing
sa ating mga kapatid sa Amerika na nasa loob ng kabaong,
Kanyang sinagot na walang problema kung ito lamang ang
paraan para madasalan at mailibing.
BINANGGIT SA FATWA NG PERMANENT COMMITTEE NG SAUDI ARABIA
SA #
2615
"Ang pagdasal sa Harap ng imahe na kanyang batid, karamihan sa mga pantas ang kanilang pananaw
rito ay Makruh (hindi kanais nais) at kung di nila alam na may imahe ay walang
problema at walang pagkakasala."
Kung ang pagdasal na nasa harap ng imahe ay isang Makruh at
ang pagdasal sa isang pumanaw na Muslim ay Wajib (obligado),
Sa ganitong kalagayan ay unahin ang Wajib (obligado) kaysa
sa isang Makruh.
Isagawa ang pagdasal kahit nasa harap ng imahe kaysa hindi
madasalan dahil nasa kalagayan siya ng Dharoora (matinding pangangailangan)
Kung kayang pakiusapan ang pamilya na takpan muna
pansamantala ang imahe o di kaya ay alisin muna pansamantala habang ito ay dinadasalan ay siyang pinaka
mainam sa lahat,
Ngunit kung walang kakayahan na ito ay isagawa at maaaring
pagmulan pa ito ng Fitnah (kaguluhan),
Sa ganitong kalagayan ay kanilang dasalan ito kahit nasa
harap pa ng imahe at kung dinasalan naman ng Salatul Ghaib ay maaari rin.
Ito ay aming pananaw lamang.
Wallahu A'lamu Bissawab
CTTO: Zulameen Sarento Puti
READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME