ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

-Ang RIYA "pakitang tao" at SUM'A "pagparinig" ay isang sakit na nakakapinsala, nawawalan niya ng saysay ang mabubuting gawa, nasisira niya ang nilalaman ng puso at inilalayo ng tao ang sarili sa kanyang Panginoon.

-Ang taong pakitang tao ay laging nagmamasid sa mga tao Ngunit hindi niya pinapahalagaan ang pagmamasid sa kanya ng kanyang Panginoon.

-Takot sa mga tao at walang takot sa kanyang Panginoon.

Nakalimutan niya na ang lahat ng hayag at lingid niyang gawain ay batid ni Allah!

 

ANO ANG KAHULUGAN NG RIYA O SUM'A?

 

Ayon kay Imam Al-Ijj Ibn Abdus Salam:

"Paghahayag ng tao sa kanyang Ibadah (pagsamba) na ang hangarin ay makamundong bagay o umani ng papuri mula sa mga tao" Qawaid Al-Ahkam 1/147

Ayon kay Bin Bazz: Ang Riya ay: "Ang pagsasagawa ng isang gawain upang ipakita sa mga tao katulad ng pagdarasal na ang hangarin ay upang umani ng papuri mula sa tao"

 

SAMAKATUWID, ANG RIYA AY ANG PAGSAGAWA NG IBADAH UPANG MAKAMIT ANG PAPURI MULA SA MGA TAO.

 

Hindi kabilang sa RIYA Ang pagdasal sa Jamaah (kongregasyon) o pagdasal na nag-iisa na nakikita ng tao na walang hangarin na pakitang-tao, kabaliktaran sa pananaw ng iilan na walang alam sa batas ng Islam na kanilang sinasabi na ito daw ay Riya.

 

 

 

ANG PAGDARASAL SA PUBLIKONG LUGAR AY HINDI KABILANG SA RIYA MALIBAN LAMANG KUNG ANG HANGARIN AY UPANG UMANI NG PAPURI.

BAGKUS ANG SINUMANG UMIWAN NG IBADAH DAHIL SIYA AY NANGANGAMBA NA NAKIKITA NG TAO AY KABILANG SA RIYA.

Sinabi ni Fudail Bin Iyad:

"Ang pag-iwan ng gawain dahil sa tao ay kabilang sa RIYA at ang pagsagawa ng gawain dahil sa tao ay Shirk "pagtatambal kay Allah" at ang Ikhlas (kadalisayan ng puso) ay ligtas sa dalawang binanggit"

قال الفضيل بن عياض: ترك العمل من أجل الناس رياء، والعمل من أجل الناس شرك، والإخلاص أن يعافيك الله منهما

 

PANGANIB NG RIYA:

Sinabi ni Propeta Muhammad: "Nais ba ninyong sabihin ko sa inyo kung ano ang higit na pinapangambahan ko para sa inyo kaysa kay Al-masih Al-dajjal?

Kanilang sinabi: Opo O Sugo ni Allah!

Kanyang sinabi: Ito ay ang Al-shirk Al-khafiy; ito ay tulad ng isang taong tumayo para mag Salah, kanya itong pagbubutihin upang ipakita sa iba (upang umani ng papuri).

حديث: "ألَا أُخبركم بما هو أخوفُ عليكم عندي من المسيحِ الدجالِ قال: قلنا بلى فقال الشركُ الخفيُّ أن يقومَ الرجلُ يُصلي فيُزيِّنُ صلاتَه لما يرى من نظرِ رجلٍ"صحيح ابن ماجه و صححه الألباني-

 

IWASAN NATIN MAGSABI SA IBA NG RIYA SA KANYANG GAWAIN DAHIL HINDI PO NATIN ALAM ANG SALOOBIN NIYA.

ANG TANGING MAY ALAM SA SALOOBIN AY ANG ALLAH LAMANG!



CTTO: Zulameen Sarento Puti


READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME


Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?

HUWAG KANG MAIINIS