KARAPATAN NG BABAE NA MANGASIWA SA SARILING KAYAMANAN KAHIT WALANG PAGPAPAALAM (Pahintulot) SA ASAWA
Pinahintulutan ng Islam ang isang babae na nasa tamang pag-iisip
na mangasiwa sa kanyang sariling kayamanan ito man ay kayamanan mula sa kanyang
mana, kinita, Mahar (dowry) o sahod etc..
Maaari niya itong ilaan sa negosyo, gamitin sa pagka-kawanggawa,
pagtulong sa kapwa o saan man niya nais gamitin.
Walang sinuman na maaring pumigil sa kanyang pangangasiwa sa
sarili nitong kayamanan kahit pa man ang asawa nito (lalaki).
Ang pananaw na ito ay sinang-ayunan ng nakakaraming mga ulama (iskolar).
Ang karapatan na ito ay ipinagkaloob sa kanila, sila man ay
dalaga, balo, hiwalay sa asawa o may asawa.
Walang karapatan ang asawang lalaki na pagbawalan ang kanyang
maybahay sa pangagasiwa nito sa kanyang kayamanan tulad ng pagtulong ng babae
sa kanyang magulang, kapatid, kamag-anak o sinumang nais niyang tulungan
maliban lamang na hindi niya puwedeng ibigay sa iba ay ang regalong ibinigay ng
asawa para sa kanya bilang palamuti maliban kung ito ay may pahintulot.
ANG MGA BASEHAN HINGGIL SA BAGAY NA ITO:
1-Ang pangkalahatang kautusan sa pagkakawangga o pagiging mabuti
sa kapwa at hindi pinaghiwalay ang babae sa lalaki.
Sila ay magkapareho sa mga kautusan maliban lamang sa iilan.
2-Pinalaya ni Um Maimoona (asawa ng Propeta) ang isang alipin na hindi batid ng Propeta.
3-Pinadalhan ni Um Alfadl ang Propeta ng gatas na mainom nito sa araw ng Arafa na walang pagpapaalam sa asawa nito.
4-Nang utusan ng Propeta ang mga babae na magbigay ng kawanggawa
ay hindi niya sinabi na sila ay magpaalam muna sa kanilang mga asawa.
Napakaliwanag ng mga Daleel na ang mga babae ay may karapatang mangasiwa sa kanilang kayamanan na kahit hindi na ipaalam sa kanilang asawa, - Ngunit kung siya ay makipagkunsulta ay wala namang pagbabawal at ito ay mainam na gawain.
Bilang asawang lalaki, anuman ang ginamit ng iyong asawa mula sa kanyang sariling
kayamanan ay huwag kang magagalit kung hindi niya ito ipinaalam sa iyo dahil ito ay kanyang karapatan at kung nais man niya bumili para sa sarili o nais tumulong ay huwag mong pagbawalan maliban lamang kung ito ay isang pagsuway kay Allah.
Bilang asawang babae, huwag mong ipamigay ang bagay na
pagmamay-ari ng iyong asawa maliban lamang kung siya ay may pahintulot hinggil
dito.
CTTO: Zulameen Sarento Puti
READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME