MGA BATAS ISLAMIKO NA NAUUKOL SA GAWAIN NG TAO


ANG BATAS ISLAMIKO AY NAHAHATI SA DALAWANG URI:

a-Batas Pagtatalaga

b-Batas na nakasalalay sa kalagayan o katayuan

 

Upang mas lalong maintindihan, Ipapaliwanag natin ito nang mas masinsinan:

 

1-BATAS PAGTATALAGA

KAHULUGAN: “Direktiba mula kay Allah hinggil sa gawain ng tao na may kalakip na pag-uutos o pagpipili.”


Anumang gawa o salita na mula sa tao ay
 nakabatay sa limang kalagayan-

a-WAJIB “Obligado o nararapat’
Kahulugan: ”Kautusan mula kay Allah na nararapat gawin ng tao, Kanyang Gagantimpalaan ang sinumang gagawa at Magkakasala o Paparusahan naman ang sinumang hindi gagawa”
Tinawag din itong FARD.
Halimbawa: Ang pagdaral 5x sa isang araw o pag-aayuno at ibp.

b- HARAM “Bawal”
Kahulugan: “Kautusan pagbabawal mula kay Allah, Kanyang paparusahan sinumang gumawa at Kanyang gagantimpalaan ang sinumang umiwas”
Halimbawa: Ang pagbabawal sa pag-inom ng alak at pangangalunya at ibp.

c- SUNNAH “Kanis-nais”
Kahulugan: ”Isang pagtagubilin na mainam na gawin, Gagantimpalaan ang sinumang gumawa ngunit hindi pananagutin ang sinumang hindi gumawa at maaari rin sisihin sa kanyang pagbali-wala o pag-iwan”
Tinawag din itong MUSTAHAB, NAFL at MASNOON.
Halimbawa: Ang karagdagang pagdarasal na Sunnah na maliban sa 5x obligadong Salah at ibp.

d-MAKROOH “hindi kanais-nais o kinamumuhian”
Kahulugan: ”Isang pagtagubilin ng pag-iwas gawin, Gagantimpalaan ang sinumang umiwas ngunit hindi naman papanagutin ang sinumang gumawa at maaari rin sisihin kung patuloy niya itong isasagawa”
Halimbawa: Ang pagdarasal na nakatingin sa langit at ibp.

e-MUBAH “ipinahintulot”
Kahulugan: ”Isang gawaing walang pag-uutos at wala ring pagbabawal, Walang pagkakasala ang sinumang gumawa at wala ring pananagutan ang sinumang hindi guamwa”
Tinawag din itong HALAL at JAIZ.
Halimbawa: Ang pagkain, paginom, pagtulog at ibp.

 

KARAGDAGANG URI O KLASE SA LIMANG USAPIN:
a. WAJIB

- ANG WAJIB AY NAHAHATI ANG NAGSASAGAWA NITO NG DALAWANG URI:


1-WAJIB AIN “Obligadong indibidwal”
Kahulugan: ”Pag-uutos ng pagsasagawa ng bawat isa (individual) ang depenasyon nito ay katulad din ng Wajib”
Tinawag din itong” FARD AIN.
Halimbawa: Ang pagdarasal ng 5x sa isang araw at iba pa.


2-WAJIB KIFAYA “Obligado sa iilang tao o grupo”
Kahulugan: ”Pag-uutos ng pagsasagawa ng iilan (collective) tao, kapag ito ay ginawa ng iilan ay walang pananagutan ang iba na hindi nagsagawa, ngunit kung ito ay hindi ginawa ng lahat ay mananagot ang lahat sa pag-iwan nito”
Tinawag din itong” FARD KIFAYA.
Halimbawa: Ang pagdarasal sa patay o paghahanap ng kaalaman at iba pa.

 

 

- ANG WAJIB AY NAHAHATI ANG PANAHON NG PAGPAPATUPAD O PAGSASAGAWA NITO NG DALAWANG URI:

1-MUTLAQ “walang limit sa oras o panahon sa pagsagawa”
Halimbawa: ang pagsagawa ng KAFFARA “kabayaran sa kasalannan nagawa” walang limit sa panahon kung kailan niya ito isasagawa.

2-MUQAYYAD “limitado ang oras o panahon sa pagsasagawa”
Halimbawa: ang pagdarasal ng 5x sa isang araw” nararapat ang pagdasal ng Magrib ay sa tamang oras lamang nito.
b. SUNNAH

 

- ANG SUNNA AY NAHAHATI ANG NAGSASAGAWA NITO NG DALAWANG URI:

1- SUNNA MUAKKADA “initalaga na Sunnah o malakas na uri ng Sunnah”
Kahulugan: ”ito ay ang mga Sunnah na laging pinapanatili ng Propeta ang pagsasagawa”
Halimbawa: Ang pagdasal ng Sunnah na 2 rakaat bago ang dasal ng FAJAR at ibp.
Hukom: Sinuman ang hindi magsasagawa nito ay maaaring sisihin sa kanyang pag-iwan

2- SUNNA GAIRA MUAKKADA “Sunna na hindi itinalaga o hindi malakas”
Kahulugan: ”ito ay ang mga Sunnah na kung saan hinihimok ng Propeta ang pagsasagawa nito dahil sa laki ng gantimpala ngunit hindi naman obligado”
Halimbawa: Ang pagdasal ng Sunnah na 4 rakaat bago ang dasal ng ASAR at ibp.
Hukom: Sinuman ang hindi magsasagawa nito ay walang pananagutan.

 

SA SUSUNOD NA POST NATIN AY IPAPALIWANAG NATIN ANG BATAS NA ANG HUKOM NITO AY NAKASALALAY SA KALAGAYAN O KATAYUAN!!!



CTTO: Zulameen Sarento Puti


Basahin ang kasunod na Artikulo na kaugnay nito: BATAS ISLAMIKO NA NAKASALALAY SA KALAGAYAN O KATAYUAN NITO ANG PAGPAPALABAS NG HATOL (HUKOM)

 

READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME

Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?

HUWAG KANG MAIINIS