ANO ANG AMING PANANAW HINGGIL SA SSS, GSIS AT PAG-IBIG?

ANO ANG AMING PANANAW HINGGIL SA SSS, GSIS AT PAG-IBIG?


Ang SSS, GSIS AT PAG-IBIG ay pawang mga ahensiyang nasa pamamahala ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas na naglilikom ng mga pondo na salapi bilang mga seguro mula sa ambag sa pamamagitan ng pagkakaltas ng mga kita nang ilang bahagi ng mga manggagawa mula sa pampubliko o pribadong sektor.

 


Ang karaniwang benepisyo na nakukuha ng isang manggagawa mula sa SSS, GSIS at PAG-IBIG ay:

1- LOAN

2- INSURANCE

3- PENSION

 

Ang tatlong ito ang siya nating paksa, Ngunit ang LOAN at INSURANCE ay atin ng natalakay sa mga nakaraang post, maaaring magbibigay tayo ng maikling pangungusap hinggil sa bagay na ito.

 

a)-LOAN:

1-Kapag ang LOAN ay mula sa pera katulad ng Salary loan, Personal loan, Calamity loan etc..

Kung ang nasabing loan ay may patubo “interes”, ito ay kabilang sa RIBA (Haram).

-Maaari lamang mag-avail nito kung ikaw ay nasa kalagayan ng DHAROORA “matinding kagipitan na maaaring ikapinsala mo”at wala ng ibang mautangan maliban dito, Halimbawa ikaw ay naospital at wala kang maibabayad maliban lamang sa pamamagitan ng loan,

Sa ganitong kalagayan ay maaari kang umutang ayon sa halaga lamang ng iyong kailangan

2- KAPAG ANG LOAN AY MULA SA ARI-ARIAN tulad ng housing loan, car loan, home appliance loan etc..)

-Kung ang nasabing ari-arian ay mula sa pagmamay-ari mismo ng SSS, GSIS o PAG-IBIG, kanilang inalaan ito bilang loan sa mga manggagawa at ikakaltas sa sahod ng taong nag-loan na ang halaga ay fixed pati narin ang tagal ng pagbabayad at walang karagdagang bayad (penalty) kapag hindi agad nakabayad,

Sa ganitong kalagayan ay walang pagbabawal na magloan sa kanila.

-Kung ang ari-arian ay hindi sa kanilang pagmamay-ari bagkus kanila itong hinulog-hulugan sa realstate mula sa kaltas na sahod ng taong nag-loan,

Sa ganitong kalagayan ay bawal magloan sa kanila.

 

b)-INSURANCE:

Walang Islamic Insurance sa Pilipinas at ang tanging Insurance ay Commercial, kaya lahat nito ay may halong Riba.

-Kung may option siyang umiwas mula rito ay siyang pinaka mainam,

Ngunit kung ito ay mandatory at hindi siya makakuha ng permit ng car, house o hindi makabukas ng tindahan etc.. maliban dito,

Walang pagbabawal na kumuha ng Insurance Ngunit sa kundisyon na ito ay kanyang kamuhian (napilitan) at kung sakaling makatanggap siya ng tulong mula sa Insurance ay ang tanging kukunin lang niya ay kasing halaga ng kanyang naiambag.

 

c)- PENSION:

Ang Pension ay nahahati sa dalawa: Voluntary at Mandatory

1- VOLUNTARY (may option kang hindi sumali o hindi umambag)

Hatol: Hindi siya maaaring sumali dahil napapaloob rito ang pagsusugal, panlalamang sa kapwa at ang Gharar (hindi malinaw na transaksiyon).

Dahil maaaring ikaw ang kumita at ang ahensiya ang malulugi o ang ahensiya ang kikita at ikaw naman ang malulugi.

Halimbawa: ikaw ay nag-ambag sa loob ng 40 years ngunit napakinabangan mo at ng iyong benepisaryo ng iilang taon lamang,

Sa ganitong kalagayan ay ikaw ang nalugi at ang ahensiya ang kumita,

kabaliktaran nito, maaaring ikaw ang kumita at ang ahensiya ang malulugi katulad ng tao na namuhay ng matagal na panahon pagkapos ng kanyang retirement.


2-MANDATORY

Kapag ito ay mandatory, sa ayaw at sa gusto ay kanila na itong ibabawas mula sa iyong sahod at wala kang kakayahan na tumanggi dahil ito ay nasasaad sa batas mula sa pamahalaan o pribado at hindi ka makapagtrabaho kapag wala ito, at ang halaga na ibabawas ay kanilang ilalaan sa isang fund ito man ay kanilang pagmamay-ari o pribado,

Sa ganitong kalagayan, anuman ang matatanggap mo na Pension pagkatapos mong magretiro ay maituturing na Halal Insha Allah,

Ngunit hangga’t maaari, kukunin mo lamang na halaga ay ang iyong naiambag maliban lamang kung ang nasabing dagdag ay mula sa fund ng gobyerno,

Sa ganitong kalagayan ay maaari mong kunin dahil ito ay isang Hiba (bigay) mula sa gobyerno.

Kung ang nasabing Fund ay ginamit sa investment na Haram, anumang sumubra mula sa iyong ambag ay ilaan mo sa kawanggawa at huwag mong gamitin sa iyong panustos sa sarili o sa pamilya.


Para sa karagdagang kaalaman:

Maari tingnan ang Fatwa # 42567 sa Islamqa

Fatwa # 352687 mula sa Islamweb

at gayundin ang video ni Shaikh assimalhakeem

Wallah Taala A’lam

 

 

CTTO: Zulameen Sarento Puti



editors note:

Basahin ang iba pang mga Artikulo na may kaugnayan sa ilalim ng Batas Islamiko:


READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME

 

Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?

HUWAG KANG MAIINIS