ANG HINDI NAGMAMAHAL SA MGA ULAMA ("PANTAS O ISKOLAR") AY WALANG KABUTIHAN!

 

Habang may panahon pa at hindi pa abala sa sarili ay magsaliksik ng kaalaman bago pa man maglaho ang kaalaman dahil ang pagkawala ng kaalaman ay siyang pagkawala ng mga maalam (ulama)!

Sinabi ni Abu Addardaa (kahabagan siya ni Allah):

"Magsaliksik kayo ng kaalaman, Ngunit kung kayo ay walang kakayahang magsaliksik ay MAHALIN NINYO ANG MGA ULAMA (iskolar) at KUNG HINDI NINYO SILA KAYANG MAHALIN AY HUWAG NINYO SILANG KAMUHIAN"

* ANG PAGKAKAIT NG PAGMAMAHAL SA MGA ULAMA AY PAGKAKAIT NG KABUTIHAN SA SARILI!

Sinabi ni Imam As-Shafie:

"Sinuman ang hindi nagmamahal sa mga Ulama (pantas o iskolar) ay walang kabutihan."

* KUNG NINANAIS MO NA MAKAPILING ("makasama") SILA SA ARAW NG PAGHUHUKOM AY MAHALIN MO SILA ("ulama") sa pangunguna ng ating Mahal na Propeta.

Sinabi ni Anas Bin Malik (kalugdan siya ni Allah):

"Wala na akong naramdaman na kasiyahan na hihigit pa sa sinabi ng Mahal na
Propeta (sumakanya ng biyaya at kapayapaan): "Makakapiling mo ("makakasama") ang sinuman na iyong minamahal"

Kaya sinabi ni Anas: "Minamahal ko ang Propeta at minamahal ko si Abubakar at Umar at hinahangad ko na makapiling sila (makasama) sa pamamagitan ng aking pagmamahal sa kanila kahit pa man hindi ko nagawa ang katulad ng kanilang mga ginawa"

* Alalahanin natin na ang kainaman ng mga Ulama (pantas) ay kahalintulad ng kainaman ng Mahal na Propeta sa kanyang mga kasamahan"

*O Allah ! Biyayaan Mo po kami ng Pagmamahal sa mga pantas at Pagkakaroon ng karunungang may kabuluhan at Biyayaan mo din kami ng mga gawain na Iyong ikalulugod at tatanggapin!!

قال أبو الدرداء:"اطلبوا العلم فإن عجزتم فأحبوا أهله فإن لم تحبوهم فلا تبغضوهم".

قال الشافعي – رحمه الله تعالى- "من لا يحب العالم لا خير فيه"المجموع شرح المهذب

 قال أنس فما فرحنا بشيء فرحنا بقول النبي صلى الله عليه وسلم أنت مع من أحببت قال أنس فأنا أحب النبي صلى الله عليه وسلم وأبا بكر وعمر وأرجو أن أكون معهم بحبي إياهم وإن لم أعمل بمثل أعمالهم

حديث: فضل العالم على العابد كفضلي على أدناكم. فقد أخرجه الترمذي وصححه الألباني

 

 

CTTO: Zulameen Sarento Puti



READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME

Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?

HUWAG KANG MAIINIS