KUNG AYAW MONG ISUMPA, HUWAG MAGDUMI “tumae” SA DAAN AT SA MGA PASILUNGAN
KUNG AYAW MONG ISUMPA, HUWAG MAGDUMI “tumae” SA DAAN AT SA MGA PASILUNGAN!
Pinapahalagahan ng Mahal na Propeta ang pananatili sa kalinisan
ng pampublikong lugar na kung saan ito ay pinapakinabangan ng mga tao.
Kanya ring mahigpit na ipinagbawal ang anumang makakapinsala sa
kanila tulad ng pagdumi “tumae” o umihi sa mga daanan at sa kanilang
sinisilungan.
Isinalaysay ni Abu Huraira (kalugdan siya ni Allah), Katunayan
ang Sugo ni Allah ay nagwika:
"KATAKUTAN NINYO ANG DALAWANG SINUSUMPA"
kanilang sinabi: “Ano ang dalawang sinusumpa, O Sugo ni Allah?
Ang Propeta ay nagsabi: "Ang yaong tumatae sa daanan ng mga
tao at sa kanilang lugar na pinagliliman". Iniulat ni Imam Muslim
عَنْ أَبِى
هُرَيْرَةَ أنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عليه وَسَلَّمَ قالَ: "اتَّقُوا
اللَّعَّانَيْنِ قالوا: وَما اللَّعَّانَانِ يا رَسُولَ اللهِ؟ قالَ: الذي
يَتَخَلَّى في طَرِيقِ النَّاسِ، أَوْ في ظِلِّهِمْ". صحيح مسلم.
Kaya naman umaani ng sumpa ang mga taong nagdudumi sa daanan at
sa pasilungan ay dahil sa tuwing may dadaan at sisilung sa nasabing lugar ay
napopoot at kadalasan ito ay kanilang isinusumpa ang gumawa nito.
KATAKUTAN NATIN ANG SUMPA!!
DAGDAG KAALAMAN:
1-Ang pagbabawal na nabanggit ay hindi lamang natatangi sa
pagdumi “pagtae” kundi ipinagbawal din ang lahat ng uri ng pamiminsala sa mga
tao sa kanilang daanan at pasilungan katulad ng pag-ihi at pagtapon ng
maruruming bagay etc...
2-Ipinagbabawal ang pagdumi sa ilalim ng punongkahoy na
nagbubunga dahil ito ay nakakapinsala sa mga tao, at nakakasira ng bunga.
3-Iwasan ang pagtitipon sa mga daanan at sa mga pasilungan upang
hindi makapinsala sa mga taong dumadaanan at sa mga nais sumilong.
CTTO: Zulameen Sarento Puti
READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME