BATAS ISLAMIKO NA NAKASALALAY SA KALAGAYAN O KATAYUAN NITO ANG PAGPAPALABAS NG HATOL (HUKOM)
PAUNANG SALITA:
Minsan tayo ay magtatanong sa
isang Iskolar hinggil sa hatol sa isang bagay, sa halip na ang ibibigay na
Fatwa “hatol” ay tungkol sa limang hukom sa Islam katulad ng;
”WAJIB, HARAM, SUNNAH, MAKRUH & MUBAH”
Ngunit ang sasabihin sa atin ay
ganito:
“ITO AY KABILANG SA; KUNDISYON,
DAHILAN, HALIGI, HADLANG, WASTO O TAMA, MALI O WALANG BISA”
ANO NGA BANG BATAS O HUKOM ITO?
Halina’t atin itong tatalakayin.
A) DAHILAN “SABAB”
HUKOM: “Magkakaroon lamang ng
pagpapalabas ng batas kung ito ay naroroon at kung wala, wala ring batas na maipapalabas”
HALIMBAWA: “Pagpasok ng panahon
ng dasal, ito ay isang dahilan upang maaari ng isagawa ang dasal at kung wala
pa ang panahon nito ay wala pang dahilan para isagawa ang dasal”
AKTWAL NA PAGSASALARAWAN:
Nagtatanong: “Kailan maisagawa
ang QASR o pagpapaikli ng dasal?”
Mufti: “kabilang sa DAHILAN ng
pagsagawa ng QASR “pagpapaikli ng dasal” ay ang paglalakbay”
B) KUNDISYON “SHART”
Ang mga kundisyon sa lahat ng
IBADAH “pagsamba” ay ang mga bagay na hindi pasok sa haligi nito.
Halimbawa:
“Kabilang sa kundisyon ng Salah ay ang pagsasagawa ng WUDU “Paghuhugas sa
iilang parte ng katawan”.
Ang Wudu ay hindi kabilang sa Salah bagkus kundsiyon lamang ito na dapat
isagawa bago ang Salah dahil hindi matatanggap ang Salah kung walang WUDU”
AKTWAL NA PAGSASALARAWAN:
NAGTATANONG: “Ano ang Hukom ng
pagharap sa Qibla sa tuwing pagsalah?”
MUFTI: “kabilang sa kundisyon”
C) HALIGI “RUKN”
Hindi matatanggap ang isang
IBADAH “gawaing pagsamba” kapag wala ang isa sa mga haligi nito.
HALIMBAWA: “Kapag ang isang tao
ay nagdasal ng walang pagpapatirapa “SUJUD” magkagayun, hindi tanggap ang
kanyang SALAH”
AKTWAL NA PAGSASALARAWAN:
NAGTATANONG: “Ano ang Hukom ng
pag-TAWAF “pag-ikot” sa Ka’bah sa mga taong nagsasagawa ng HAJJ?”
MUFTI: “kabilang sa haligi ng
Hajj”
D) HADLANG “MA'NIE”
Hindi matatanggap ang isang
IBADAH “gawaing pagsamba” kapag may mga hadlang hinggil dito.
HALIMBAWA: “Kabilang sa hadlang
sa pagsasagawa ng ayuno “fasting”ay ang pagkakaroon ng buwanang regla, kapag
nag-ayuno ang isang ginang na may regla, hindi tanggap ang ayuno nito”
AKTWAL NA PAGSASALARAWAN:
NAGTATANONG: “Ano ang kalagayan
ng taong nakapatay sa taong kanyang pagmamanahan?”
MUFTI: “Wala siyang mamanahin
dahil ito ay kabilang sa HADLANG sa pagtanggan ng mamanahin”
E) TAMA O WASTO “SAHEEH”
Kapag ang IBADAH “gawaing
pagsamba” ay ganap ang kundisyon at hiligi nito, ang kanyang IBADAH ay tama.
HALIMBAWA: “Kapag ang isang tao
ay nagdasal na nasa katayuan ng WUDU sa panahon ng oras ng dasal at naisagawa
niya ng tama ang lahat, Ang magiging hatol sa kanyang salah ay tama”
AKTWAL NA PAGSASALARAWAN:
NAGTATANONG: “Ako ay nagsalah ng
Magrib muli ay nagdasal ng Eisha na may pag-aalinlangan kung nasira ba ang
aking WUDU o hindi, at ipinagpatuloy ko parin ang aking Salah, ano po ang hukom
hinggil dito ?”
MUFTI: “Ang iyong Salah ay TAMA”
.
F) MALI O SIRA “FASID O BATIL”
Kapag ang IBADAH “gawaing
pagsamba” ay hindi ganap ang kundisyon at hiligi nito, ang kanyang IBADAH ay
mali o hindi tama. .
HALIMBAWA: “Kapag ang isang
Muslim ay sinadya niyang hindi bigkasin ang “Bismillah” sa kanyang kinatay, ang
kanyang kinatay ay hindi maaaring kainin.”
AKTWAL NA PAGSASALARAWAN:
NAGTATANONG: “Ako ay nag-ayuno sa
araw ng Eid na hangarin ay magbayad sa mga nakaligtaan ko sa panahon ng
Ramadan, ano po ang hukom hinggil dito ?”
MUFTI: “MALI o
HINDI TAMA”
CTTO: Zulameen Sarento Puti
Maaring balikan ang naunang Artikulo na kaugnay nito: MGA BATAS ISLAMIKO NA NAUUKOL SA GAWAIN NG TAO
READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME