ANG ORIHINAL NA KALAGAYAN NG LIBINGAN NG MAHAL NA PROPETA AY SA LABAS NG KANYANG MASJID AT HINDI SA LOOB
ANG ORIHINAL NA KALAGAYAN NG LIBINGAN NG MAHAL NA PROPETA AY SA LABAS NG KANYANG MASJID AT HINDI SA LOOB!
Nang pumanaw ang mahal na Propeta, siya ay inilibing sa kanyang
tahanan at hindi sa loob ng kanyang Masjid.
Ang Masjid ng Mahal na Propeta at ang kanyang tahanan ay may
pagitan na bakod, Ang bagay na ito ay siyang pinagkaisahan ng mga ulama
(pantas) mula pa sa panahon ng mga Sahaba magpa-hanggang ngayon at wala ni isa
sa mga ulama na nagsabi na siya ay inilibing sa kanyang Masjid.
Ang pinaka matibay na batayan hinggil rito, ay nang ilibing ng
mga Sahaba ang mahal na Propeta, kanila itong inilibing sa kanyang tahanan.
Kaya nila ito inilibing sa kanyang tahanan ay upang hindi
gagawin ng mga tao ang kanyang libingan bilang Masjid (upang hindi makapagdasal
dito ang tao).
PAANO NANGYARI NA ANG KANYANG LIBINGAN AY NASA TAGILIRAN NG
KANYANG MASJID?
Sa hindi inaasahan na mangyayari sa huling panahon,
Ang Haring si Alwaleed Bin Abdulmalik (isa sa mga Hari ng
Umayya) sa taong 88 ng Hijra ay kanyang pinalawak ang Masjid ng Propeta dahil
ito ay maliit at masikip,
Kaya inabot ng pagpapalawak ng Masjid ang tahanan ni Aisha kung
saan nandoon ang libingan ng Mahal na Propeta pati narin ang lilbingan ng
dalawa niyang kasamahan na sila Abubakar at Umar.
Sa panahon ng pagpalawak sa Masjid, wala ni isang Sahaba sa
Madinah na nabubuhay.
Ayon kay Hafiz Muhammad Ibn Abdulhadie:
"Nang abutan ng pagpalawak (expansion) ng Masjid ng Propeta
ang kanyang tahanan sa panahon ni Haring Alwaleed Bin Adulmalik, ito ay
nangyari na halos ang lahat ng mga Sahaba sa Madinah ay pumanaw na.
Ayon sa History, Ang huling namatay na Sahaba sa Madinah ay si
Jaber Bin Abdullah sa taong 78 ng Hijra at ang Haring si Alwaleed Bin
Abdulmalik ay naging pinuno ng mga Muslim sa taong 86 ng Hijra at siya ay
nanungkulan sa loob ng sampung taon at nangyari ang expansion sa Masjid sa
pagitan ng 86-96 ng Hijra.
Gayunpaman, Ang mga Ulama sa kanilang panahon na nagsagawa ng
matinding matinding pagtutol, Ngunit wala silang nagawa dahil ito ay kautusan
ng isang Hari at kung kanilang ipipilit pagtutol ay maaaring magkakaroon lamang
ng Fitnah at matinding kaguluhan (dadanak ng dugo).
Ngayon naging hayag sa atin ang buong pangyayari, Hindi na
maaari gawing batayan ang kalagayan ng libingan ng Propeta dahil ito ay ginawa
na taliwas sa kautusan ng Propeta at ang kautusan ay huwag gawing Masjid ang
libingan.
Sa Panahon ni Umar Bin Khattab ay kanya ring pinalawak ang
Masjid, Ngunit hindi niya isinali ang libingan ng Propeta dahil alam niya na
ito ay ipagbabawal ng Propeta.
Dahil dito, Ang ating masasabi ginawa ng Haring si Alwaleed Bin
Abdulmalik ay isang malaking pagkakamali (nawa'y patawarin at kahabagan siya ni
Allah).
Maaari naman niyang palawakin ang Masjid na hindi sa bahagi na
kinaroroonan ng tahanan ng Propeta.
Ngunit ganun pa man, Sinikap parin nila na ito ay mailihis ng
bahagya upang hindi makaharap ang mga nagsasagawa ng Salah sa mismong libingan
ng Propeta.
Nilagyan nila ito ng malawak na bakod na paikot at malayo at
nakalihis (tagilid) sa eksaktong kinalalagyan ng libingan ng Propeta upang
hindi direktang makaharap ang tao dito sa tuwing sila ay magdarasal.
Ganun pa man, hindi maging batayan ang pagkapasok ng tagiliran
ng libingan ng Propeta na ito ay ipinahintulot,
Bagkus, mananatili parin ang kautusan ng Propeta ang siyang
masusunod (ang pagbabawal ng libingan sa loob ng masjid), at hindi ang ginawa
ng tao na taliwas sa kanyang katuruan.
Ang mga nakikita natin na may iilang mga Masjid na may libingan
sa loob nito ay hindi ito maaaring gawing batayan dahil ito ay taliwas sa
katuruan ng Islam at kautusan ng Propeta!
Sinabi ng Mahal na Propeta: "Isinumpa ni Allah ang mga
Hudyo at mga Kristiyano na nagturing sa libingan ng kanilang mga Propeta bilang
mga masjid o pook sambahan".
حديث: "لعن
الله اليهود والنصارى اتخذوا قبور أنبيائهم مساجد"
CTTO: Zulameen Sarento Puti
READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME