ANG SHARIA (“ISLAMIC LAW”) AT ANG MGA NILALAMAN NITO
PAUNANG
SALITA:
Ang
Relihiyong Islam ay Kumpletong Panuntunan ng Buhay, hindi niya pinaghiwalay ang
ESTADO sa RELIHIYON, kaya ang pamamahala sa bansa, ugnayan pandaigdigan,
kalakalan at lahat ng uri ng ugnayan o transaksiyon ng tao sa kanyang kapwa ay
kabilang sa relihiyon.
ANG SHARIA
AY SAKLAW NITO ANG DALAWANG MAHALAGANG ASPETO:
1) “BATAS” -
SAKLAW NITO ANG LAHAT NA GAWAIN NG TAO NA
NAPAPALOOB SA “ARALING FIQH”.
2) “AQEEDAH”
- SAKLAW NITO ANG LAHAT NG USAPIN NA MAY UGNAYAN SA PANINIWALA AT
PANANAMPALATAYA NG TAO - “KREDO”.
Sa dalawang
usapin ay atin munang ilalahad ang SHARIA “LAW” “BATAS”
NA MAY UGNAYAN SA LAHAT NG GAWAIN NG TAO.
ANO ANG
IBIG SABIHIN NG FIQH?
Ayon sa mga
Iskolar, Ang FIQH ay:
“Ang
pagkaroon ng kaalaman sa batas o hukom sa Islam na hinango mula sa detalyadong
pagpapaliwanag ng mga batayan.”
ANG FIQH O
SHARIA LAW “Islamic Law” AY NAHAHATI ANG USAPIN NITO AYON SA MGA SUMUSUNOD:
1.
AL-IBADAAT (“PAGSAMBA”) - Saklaw
nito ang usapin ng limang haligi ng Islam.
2. AHWAL
SHAKHSIYA (“PERSONAL NA KALAGAYAN O ESTADO”) - Saklaw nito ang usaping
transaksiyon, pang-pamilya, pag-aasawa, paghihiwalay, pagmamana, pag-aaruga sa
mga supling at iba pa.
3.
AL-MUAMALAAT (“PAKIKIPAG-TRANSAKSIYON O PAKIKITUNGO O UGNAYAN) - Saklaw nito ang lahat ng uri ng transaksiyon sa
larangan ng kalakalan, kontrata at lahat ng uri ng paghahanap-buhay at iba pa.
4. AL-AHKAM
AL-SULTANIYYAH (“MGA BATAS SA
PAMAMALAKAD O PAMAMAHALA NG ISANG GOBYERNO”) - Saklaw nito ang lahat ng uri ng
pamamahala ng gobyerno sa kanyang nasasakupan, mula sa mga alituntunin, batas o ordinansa at
ibapa.
5.
AL-OQOOBAT (“KAPARUSAHAN”) - Saklaw nito
ang lahat ng uri ng pagsasaayos, pagkakasundo, pagdidisiplina at pagpaparusa at
ang pagpapatupad nito
6.
AL-HUQOOQ AD-DAWLIYYA (“KARAPATAN NG MGA
BANSA”) - Saklaw nito ang ugnayang pandaigdigan, pag-lagda ng mga kasunduan,
batas pandaigdigan, karapatan ng bansa sa kapwa bansa at iba pa.
7. AL-ADAAB
(“ASAL O PAG-UUGALI”) - Saklaw nito ang
lahat ng usaping sa kagandahan ng asal, mabuting pakikitungo sa kapwa at mga
mabubuting alituntunin at ibapa.
DAGDAG
KAALAMAN:
- Ang mga
pantas ay may pagkakaiba sa paghahati ng uri ng usaping FIQH. May iilan na
hinati lamang ang usaping FIQH sa dalawa at mayroon naman na hinati sa tatlo o
apat. Ang pinaka-mainam na paghahati ay
ang ating inilahad upang mas lalong maunawaan ang pagkakabahagi nito.
- Ang
pagbigay ng titulo sa isang tao na SHARIA LAWYER na ang pinagtuunan lamang ng
kanyang aralin ay tungkol sa “LAW OF PERSONAL AFFAIRS or STATUS” ay hindi
sapat, dahil ang SHARIA LAW ay sakop niya ang lahat na nabanggit. Mula
Criminal, Corporate, Civil, Constitutional, Environmental, Intellectual
Property, International, Labor, Public Interest Law at iba pa.
CTTO: Zulameen Sarento Puti