ANO NGA BA ANG HATOL SA INSURANCE?

ANO NGA BA ANG HATOL SA INSURANCE?

Una sa lahat, Bago natin Ihahayag ang Hatol hinggil sa Insurance ay alamin muna natin ang pangkalahatang prinsipyo na napapaloob sa kalakalan “bussiness”.

Sa Islam, Ipinagbabawal ang kalakalan na may halong panlilinlang, panloloko, panlalamang sa kapwa, ang pagsusugal, di makatarungang patubo (Riba) at ang Gharar (hindi malinaw na transaksiyon).

Ang mga bagay na nabanggit ang siya nating gagamiting timbangan sa ating paksa.

 

Ang Insurance sa Islamikong pananaw ay Nahahati sa Dalawa:

 

1- Commercial Insurance

2- Cooperative Insurance

 

PALIWANAG:

 

1- Commercial Insurance

Ang Commercial Insurance ay siyang pangkaraniwang Insurance sa Pilipinas at sa buong mundo.

Walang Insurance Company sa Pilipinas o sa mundo na walang involve na business.

Ang kanariwang uri ng Insurance sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

a-Life or Health Insurance

b-Motor or Car Insurance

c-Property or Home Insurance

d-Travel insurance

e- Personal Insurance

f- Guarantee Insurance etc..

Halos ang lahat na nabanggit ay hindi magkakalayo ang hatol maliban lamang sa Health Insurance ayon sa pananaw ng iilang mga pantas.

Ang karaniwang batas ng Insurance ay:

Ito ay isang bagay na binabayaran o binibli ng tao na nais magpa insured na may natatanging halaga sa natatanging panahon (ayon sa patakaran ng Insurance Company) upang maprutektahan ang kanilang mga sarili o ari-arian mula sa pagkalugi o pagkawala ng pera, ari-arian o buhay.

DALAWA LAMANG ANG MAGIGING RESULTA NG INSURANCE:

-Ang kumpanya ang kikita at malulugi ang nagpa-insured,

- o ang nagpa-insured ang kikita at ang kumpanya naman ang malulugi,

- at bihira lamang mangyari na magkapantay (parehong hindi nalugi at hindi kumita).

Sa dalawang kalagayan ay pawang hindi ipinahintulot sa Islam. Ipinagbawal sa Islam na siya ay mapinsala o makapinsala sa iba.

Sa nasabing kalagayan ay papasok din ang Gharar (hindi malinaw na transaksyon) at pagsusugal (paglalaro) dahil hindi mo alam kung ikaw ang kikita o ikaw ang malulugi.

Halimbawa: Kapag ikaw ay nagpa-insured ng sasakyan sa halagang 5k Pesos sa loob ng isang tao at walang aksidenteng nangyari.

Sa ganitong kalagayan ay ikaw ang nalugi at ang kumpanya kumita (sila ang manlilinlang).

Kung ikaw naman ang naaksidente ang halagang babayaran ng kumpanya ay 50k,

Sa ganitong kalagayan ang kumpanya naman ang nalugi at ikaw naman ngayon ang kumita (ikaw ang nanlilinlang)

Ang dalawang kalagayan ay pawang hindi mainam (ipinagbawal).

-Sa pamamagitan ng insurance, kadalasan ang tao ay hindi mag-iingat na maaksidente o minsan sasadyain pang maaksidente o sirain ang ari-arian upang makuha ang malaking halaga ng insurance na hindi naman niya binayaran ang ganung halaga.

Sa ganito ring kalagayan ay pareho ring hindi Maganda.

Sa pamamagitan ng Insurance ay nawawala ang pagtititawala mo kay Allah dahil lagi kalang nakadepende sa Insurance!

Sadyang napakalinaw na ang Insurance ay naglalaman ng mga ipinagbabawal na ating binanggit sa itaas,

KAYA ANG MGA PANTAS "Ulama" AY HALOS SILA AY NAGKAISA NA ANG COMMERCIAL INSURANCE AY HARAM “Ipinagbawal” ayon narin sa mga kadahilanan na ating inihayag.

MAY MGA BANSA KATULAD SA PILIPINAS NA HINDI KA MAKAKAKUHA NG PERMIT UPANG MAGKAROON NG SASAKYAN, HINDI KA MAKABUKAS NG TINDAHAN O PAGKAKARON NG ARI-ARIAN KUNG WALANG INSURANCE, ANO ANG DAPAT GAWIN?

Sa ganitong kalagayan, ikaw ay nalalagay sa Mudtar (labis na pangangailangan),

Kaya, bayaran mo nalang ang nasabing insurance upang makamit ang permit Ngunit kailangan ang puso mo ay hindi sumasang-ayon sa ganitong kalakalan at ito ay iyong kinamumuhian.

Nagagawa mo lang ito dahil ikaw ay napipilitan.

Sa ganitong kalagayan ay hindi ka magkakasala bagkus ang magkakasala ay ang nag-utos nito (bansang nagpatupad o institusyon).

Ngunit kung sakali makakuha ka ng halaga mula sa insurance ay ang tanging kukunin mo lamang ay kasing halaga ng iyong ibinayad upang iwas sa panlilinlang, panloloko at pagkain ng kayamanan na hindi makatarungan!!

Sa Sunod na post ay ating tatalakayin ang Healt Insurance pati na rin ang Cooperative Insurance

IILAN SA MGA DALEEL NA MAY UGNAYAN SA USAPIN:

قوله تعالى : ( يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لا تَأْكُلُوا أَمْوَالَكُمْ بَيْنَكُمْ بِالْبَاطِلِ ) النساء/29

قوله تعالى : "ياأيهاالذين آمنوا إنما الخمر والميسر والأنصاب والأزلام رجس من عمل الشيطان فاجتنبوه لعلكم تفلحون" المائدة ٩٠

حديث: “نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم عن

بيع الغرر.” رواه مسلم

حديث : “لا ضرر ولا ضرار



CTTO: Zulameen Sarento Puti



editors note:

Basahin ang iba pang mga Artikulo na may kaugnayan sa ilalim ng Batas Islamiko:


READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME

Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?

HUWAG KANG MAIINIS