HUWAG MONG IDAHILAN SA IYONG MASAMANG GAWAIN O ANG IYONG PAGPAPABAYA ANG QADAR (NAKATAKDA, TADHANA O KAPALARAN)

Idinadahilan ng iba na kapag sila ay nagkasala, nagkulang o nagpabaya sa kanilang tungkulin ang Qadar (takda),

Kaya daw nila ito nagawa ay dahil ito ay itinakda sa kanila upang hindi sila masisi sa kanilang ginawa.

Ang bagay na ito, kailanman hindi katanggap-tanggap sa ano pa mang dahilan.

Bilang paglilinaw, tayo ay naniniwala sa Qadar (takda) at hindi pinahintulutan sa sinumang nakagawa ng kasalanan na gagamitin dahilan ang Qadar (takda) upang iwan ang mga kautusan o gumawa ng kasalanan,

Ang bagay na ito ay napagkaisahan ng mga mananampalataya (ulama) at mga taong binigyan ng magandang kaisipan.

 

Sinabi ni Shaikhul Islam Ibn Taimiyya:

"Walang sinuman ang pinahintulutan na gamitin ang Qadar (takda) sa kanyang gawaing kasalanan. Ang bagay na ito ay pinagkaisahan ng lahat ng Ummah (Muslim) at iba pang relihiyon at lahat ng taong may magandang kaisipan.

At kung sakali ito ay katanggap-tanggap, gagamitin ng tao ito bilang dahilan sa kaniyang masamang gawain tulad ng; pagpatay, panlilinlang, pangulimbat ng kayamanan at lahat ng masamang gawain sa ibabaw ng lupa at sasabihin na lang na ito ay Qadar (Takda).

Siya rin na nagdadahilan sa Qadar ay hindi rin niya matanggap kung sakali may paggawa ng kasalanan laban sa kanya at sasabihin ng nagkasala sa kanya:

"Nagawa ko ito dahil sa Qadar (takda)" Bakit Double Standard??

ito ay isang contradictions!! Ang pagdadahilan sa Qadar para sa gawaing masama ay isang kawalan ng katarungan at kawalan ng tamang kaisipan.

Mga basehan sa Qur'an at tamang kaisipan na ang pagdadahilan sa Qadar sa masamang gawain ay hindi katanggap-tanggap:

 

1 قول الله- تعالى - : ( سَيَقُولُ الَّذِينَ أَشْرَكُوا لَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا أَشْرَكْنَا وَلا ءَابَاؤُنَا وَلا حَرَّمْنَا مِنْ شَيْءٍ كَذَلِكَ كَذَّبَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ حَتَّى ذَاقُوا بَأْسَنَا....) الأنعام/148

Sinabi ni Allah: "Yaong mga nagtatambal kay Allah nagsasabi: "Kung ninais lamang ni Allah, kami ay hindi magtambal, ni ang aming mga nununo, at marahil hindi naming nagawang ipagbawal ang anuman bagay". Ganyan ang ginawang pagtakwil ng mga nauna hanggang malasap ang Aming kaparusahan.." An'am:148

 

Sila na sumasamba sa mga diyos-diyusan na nagdadahilan sa Qadar (takda) sa kanilang gawain pagtatambal, kung ang kanilang dahilan ay katanggap-tanggap ay hindi na sana sila makakaramdam ng matinding parusa!!!

Sila na nagdadahilan sa Qadar ay kahalintulad ng mga taong nagsasamba sa mga diyos-diyusan at nagtatambal kay Allah!! nasaaan na ang tamang pag-iisip ??.

ـ قال تعالى : ( رُسُلا مُبَشِّرِينَ وَمُنْذِرِينَ لِئَلا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَى اللَّهِ حُجَّةٌ بَعْدَ الرُّسُلِ.... ) النساء/165

Sinabi ni Allah: "Aming ipinadala ang mga sugong tagapaghatid ng mga magagandang balita at tagapagbabala upang sila ay hindi makapangatwiran laban kay Allah pagkaraan ng pagdating ng mga sugo…." Nisaa: 165.

 

Kung ang pagdadahilan sa Qadar (takda) ay katanggap-tanggap, hindi na sana nagpadala si Allah ng sugo sa mga tao, dahil ang pagpadala sa kanila ay useless, di makatarungan at walang saysay!!! magpakupkop tayo sa Allah na ilayo tayo sa ganitong pag-iisip.

 

قال تعالى : ( فَاتَّقُوا اللَّهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ ) التغابن/16

Sinabi ni Allah: "Katakutan ninyo si Allah sa abot ng inyong kakayahan" Taghabon:16

وقال سبحانه : ( لا يُكَلِّفُ اللَّهُ نَفْسًا إِلا وُسْعَهَا ) البقرة/286

Sinabi ni Allah: "Si Allah ay hindi nagbibigay-pasanin sa isang kaluluwa maliban sa abot ng kanyang kakayahan" Al-Baqarah: 286

 

Kung ang tao ay walang Free will at siya ay pag-utusan sa mga bagay na hindi niya kaya, paano niya ito magagawa?!

ito ay hindi tama!.bagkus kapag ang tao ay nagkamali ng walang sapat na kaalaman o pinilit, siya ay hindi magkakasala at siya ay mapapatawad!!

At kung tama ang paggamit sa Qadar ay mawawalan ng saysay ang sitwasyon ng pinilit sa hindi pinilit,mangmang sa hindi mangmang at ang sinadya sa hindi sinadya!!

4- Ang Qadar tanging si Allah lamang nakakabatid at ito ay lingid sa kaalaman ng sinuman maliban na lamang pagkatapos ito ay mangyari. kung idadahilan ng tao ang masama niyang ginawa sa Qadar ay para narin niyang alam ang kanyang Qadar!!

5- Ang pagdadahilan sa Qadar sa lahat ng bagay ay pagpapawalang bisa sa mga kautusan at gayundin sa mga kaparusahan at pagbibigay gantimpala .

6- Kung tama ang pagdadahilan sa Qadar, gagamitin ito ng mga taong makasalanan o hindi mananampalataya sa huling araw pero lahat ng ito ay walang saysay sa kanila bagkus sila mismo ay aamin sa kanilang nagawang kasalanan.

Sinabi ni Allah:

: ( لَوْ كُنَّا نَسْمَعُ أَوْ نَعْقِلُ مَا كُنَّا فِي أَصْحَابِ السَّعِيرِ ) الملك/10

"Sasabihin ng mga taong mananahanan sa empiyerno: "Kung nakinig sana kami o nagmuni-muni hindi na sana kami mapunta sa empiyerno" Al-Mulk:10

 

Mga basehan sa tamang kaisipan na ang paggamit sa Qadar sa masamang gawain ay hindi tama:

1- Naging kaugalian ng tao na gagawa ng mga bagay na nakakabuti sa sarili at iiwasan ang mga bagay na nakakasama. bilang paglilinaw:

Kapag ang isang tao ay hangad maglakbay sa isang lugar at ito ay may dalawang pagpipilian na dadaan: isa ay mapayapa at komportable at ang pangalawa ay hindi mapayapa at hindi komportable, walang pag-aalinlangan na mas pipiliin parin niya ang una.

Bakit hindi nalang niya tatahakin ang landas sa paraiso at iwan ang landas ng empiyerno!! gayundin ang pagdadahilan sa Qadar (takda) bakit hindi nalang niya gamitin ang Qadar para sa mabuti at iwan ang masama at makasalanan.

2- Bilang kasagutan sa kanya na nagdadahilan ng Qadar na mali ang kanyang pananaw at paninidigan ay ganito;

"kung sakali sasabihin sa kanya: "Huwag ka nang mag-asawa (magsiping sa babae) dahil kung itinakda naman na magkaroon ka ng anak ay magkakaroon ka ng anak at kung hindi naman itinakda ay hindi ka magkaroon ng anak, huwag kana ring kumain at uminom, huwag kana ring magpagamot at huwag mo na rin iwasan ang mga mababangis na hayop at panganib dahil kung hindi rin itinakda ay hindi ka rin mapipinsala!!. sa tingin niyo papayag kaya siya sa ganito?! kung siya ay pumayag, walang pag aalinlangan na may tama na ang kanyang pag-iisip!.

3- Sila na nagdadahilan sa Qadar ay kahalitulad ng taong walang kaisipan. kung sila ay tama sa kanilang paninindigan ay hindi na kailangan magdasal, magtaubah (magbalik-loob sa Allah), mag-utos ng kabutihan at magbawal sa mga bagay na ipinagbabawal

4- Kung tama ang kanilang paninindigan ay mawawalang ng saysay ang kabutihan ng tao at mawalan narin ng saysay ang pagpapatupad ng batas at sasabihin ng makasalanan: "Huwag mo akong patawan ng kaparusahan dahil nagawa ko ito dahil sa Qadar, at huwag kanang maghigante sa pagsampal at pagbugbog ko sa iyo dahil ito ay Qadar!!. walang may matinong kaisipan ang tatanggap sa kanyang idadahilan.

At bilang panghuli, ang pagdadahilan sa Qadar sa gawaing masama o pag-iwan sa tungkulin o pagpapabaya ay hindi katanggap-tanggap sa batas ng Islam at sa kaisipan ng tao‍.

 

 

 

CTTO: Zulameen Sarento Puti



READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME

 

Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?

HUWAG KANG MAIINIS