MASAKIT NA PARUSA SA MGA MANG-AAGAW O MANGAMKAM NG LUPA

MASAKIT NA PARUSA SA MGA MANG-AAGAW O MANGAMKAM NG LUPA!

 

Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan):

“Sinuman ang mang-agaw (mangamkam) ng lupa na hindi makatarungan na kahit isang dangkal lamang ay ipupulupot sa kanyang leeg sa araw ng paghuhukom hanggang sa kailaliman ng pitong latag ng lupa “Iniulat nila Imam Albukhari at Imam Muslim

حديث:"مَنِ اقْتَطَعَ شِبْرًا مِنَ الْأَرْضِ ظُلْمًا طَوَّقَهُ اللَّهُ إِيَّاهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ مِنْ سَبْعِ أَرَضِينَ". مُتَّفَقٌ عَلَيْهِ

 

Isang dangkal pa lamang ay ganito na kabigat ang parusa, paano nalang kung isang hektarya ang kinamkam o mas mahigit pa?!

 

 

 

ISINUMPA NI ALLAH ANG MGA TAONG BINABAGO ANG HANGGANAN NG LUPA

 

Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan): “Isinumpa ni Allah ang mga taong binabago nila ang hangganan ng mga lupa” Inipon ni Imam Muslim

حديث: "لعن الله من غير منار الأرض." رواه مسلم

Ayon sa ibang ulat: “Isinumpa ni Allah ang mga taong ninanakaw nila ang hangganan ng mga lupa” Inipon ni Imam Muslim

حديث: "لَعَنَ اللَّهُ مَن سَرَقَ مَنَارَ الأرْضِ" صحيح مسلم

 

Ang kahulugan ng pagbabago ng hangganan ay upang angkinin o kamkamin!

 

 

 

-DITO PALANG SA MUNDO AY MAKAKARANAS NA SILA NG MATINDING KAPARUSAHAN

 

May isang kuwento ng isang babae na inireklamo niya si Saeed Bin Zaid (kabilang siya sa binigyan ng magandang balita ng Propeta na makakapasok sa paraiso) sa isang Hari na sa katauhan ni Marwan Bin Hakam na inagawaw daw ni Saeed ang kanyang lupa.

Sinabi ni Saeed sa harap ng Hari:

“Paano ko magagawang agawin ang kanyang lupa i mismong narinig ko na sinabi ng Propeta ang Hadith na ito:

“kaparusaan ng pang-aagawa ng lupa!!

Ipinalangin ni Saeed ang babaeng ito dahil sa kanyang ginawang paninirang puri sa mahal na Sahaba na kanyang sinabi:

“O Allah! Kung ang babaeng ito ay nagsisinungaling Upang paratangan ako, Nawa ay gawin mo siyang bulag at mamatay sa sarili niyang lupa”.

Di nagtagal tinanggap ni Allah ang kanyang panalangin at ang babae ay nabulag at nahulog sa bangin sa kanyang sariling lupa na siyang dahilan ng kanyang agarang kamatayan”

Pangambahan natin ang panlilinlang dahil ang taong nilinlang ay tatanggapin ang kanyang panalangin kahit pa man siya ay hindi Muslim!

 


CTTO: Zulameen Sarento Puti


READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME

Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?

HUWAG KANG MAIINIS