ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?
TANONG: Ano ang aking pananaw sa Biblia bilang isang Muslim?
SAGOT: Ang aking
pananaw o paniniwala sa Biblia bilang isang Muslim ay “HUWAG PATOTOHANAN AT
HUWAG DIN PASINUNGALINGAN”
Ang pananaw natin sa Biblia ay hindi nararapat na ayon sa ating “personal opinion”, kundi naaayon sa “Banal na Qur’an”at “Sunnah”ng Propeta Muhammad ﷺ.
Sinabi ng
Allah sa mga Mananampalatayang Muslim:
Inyong sabihin: “Kami ay sumasampalataya kay Allah at sa kapahayagan na ipinagkalob sa amin, at (sa mga ipinahayag) kay Abraham, Ismail, Isaac, Hakob at sa (labindalawang) Tribu, at sa mga ipinahayag kay Moises at Hesus at sa mga ipinahayag sa lahat ng mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagtatakda sa kanila ng pagtatangi-tangi at kay Allah lamang kami ay tumatalima.” (Qur’an Al-Baqarah -2:136)
ATING
ALALAHANIN:
Una sa
lahat ay ating alalahanin na ANG PANINIWALA SA MGA ORIHINAL NA MGA BANAL NA
AKLAT na ipinahayag sa mga naunang Sugo bago pa dumating si Propeta Muhammad ﷺ (at kasama rito ay ang Huling Pahayag, ang Maluwalhating Qur’an)
ay isa sa Anim na Haligi ng Pananampalataya sa Islam.
BIGYANG
DIIN:
Ang ating pinaniniwalaan lamang na Purong Salita ng Diyos ay ang mga Banal na Aklat na ibinaba ng Allah sa Kanyang mga Sugo na
nasa “ORIHINAL NITONG KALAGAYAN”. – na hindi binawasan, dinagdagan, pinalitan o
binago, sapagkat hindi ito matatawag na Banal kung ito ay hindi Orihinal.
ANG TANONG
NATIN NGAYON AY KUNG PAANO PAKIKITUNGUHAN ANG BIBLIA YAMANG WALA NI ISA MAN SA
MGA AKLAT NG BIBLIA ANG ORIHINAL NA MGA AKLAT NA IBINABA NG ALLAH, AT ALIN DAW SA
MGA NAUNANG ORIHINAL NA AKLAT NA DIUMANO'Y (AYON SA MGA HAKA-HAKA), ANG ILANG
MGA TALATA RAW NITO AY NAIHALO SA BIBLIA?---At kung sakali mang mayroon ngang ilang mga naihalong talata (for the sake of argument), ang Banal na Qur'an ay punong-puno ng "KARUNUNGAN at KATUWIRAN" at "TUNAY NA GABAY" kung paano ito pakikitunguhan.
Sinabi ng Allah:
" At Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (ang Qur’an) sa katotohanan, ito ang siyang nagpapatunay sa Kasulatan na dumating na una pa rito at ito ay “Muhaymin” (isang mapagkakatiwalaang saksi at isang pamantayan sa pagtutuwid sa mga kamaliang idinagdag ng mga tao sa mga Lumang Kasulatan)...” (Qur’an Al-Maidah 5:48)
At sinabi rin Niya sa ibang talata:
" Ang Ramadhan ay ang buwan nang ipahayag ang Qur'an, isang patnubay sa sangkatauhan, gayundin naman ay isang maliwanag na Tanda o Katibayan at ang Pamantayan (pamamatnubay at paghatol sa pagitan ng tama at mali)...” (Qur’an Al-Baqarah 2:185)
Samakatuwid, ang Maluwalhating Qur'an ay Tagapaghatol, Pamantayan at Patnubay:
1- Ang
Qur’an ay TAGAPAGHATOL SA LAHAT NG NAUNA AT LUMANG KASULATAN at alinsunod dito,
ipinagbabawal na sundin ang anumang napapaloob sa mga lumang kasulatan maliban sa kung ano ang pinagtitibay o pinanatili ng Banal na Qur’an.
2-Ang Qur’an ay ang PAMANTAYAN kung ano ang nararapat nating paniwalaan at hindi paniwalaan. Sapagkat ito (ang Qur’an) ang naghihiwalay sa mabuti at masama ay ito rin ang siyang PAMANTAYAN ng pamumuhay na kung saan nakasaad ang mga Batas ng Diyos.
3-Ang Qur’an ay PATNUBAY sa sangkatauhan. Katiyakang dito ay walang pagkaligaw, malaya sa anumang kamalian.
“Hindi baga nila isinasaalang-alang (pinag-iisipan ng mabuti) ang Qur'an? Kung ito ay nagmula (sa iba) maliban pa kay Allah, katotohanang sila ay makakatagpo rito ng maraming pagkakasalungatan.” (Qur'an An-Nissa 4:82)
“At katotohanang Kami ang nagpapanaog ng Dhikr (ang Qur’an) at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa kabulukan (at katiwalian).” (Qur’an Al-Hijr 15:9)
Mga ilang sinabi ni Propeta Muhammadﷺ :
Kaya nga
naman dahil sa mga sinabi ng Allah sa Banal niyang Aklat (Ang Qur’an), ang
Propeta Muhammad ﷺ ay naghayag ng kanyang konsepto (na atin ngayong mababasa sa mga Hadeeth) patungkol
sa Aklat na hawak ng mga Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo o Kristiyano) noong mga panahon na iyon:
Narrated
Abu Huraira: "The people of the Book used to read the Torah in Hebrew and
then explain it in Arabic to the Muslims. Allah's Apostle said (to the
Muslims). 'Do not believe the people of the Book, nor disbelieve them, but say,
'We believe in Allah and whatever is revealed to us, and whatever is revealed
to you.” (Translation of Sahih Bukhari, Holding Fast to the Qur'an and Sunnah,
Volume 9, Book 92, Number 460)"
The Apostle
of Allah (peace be upon him) said: “Whatever the people of the Book [Jews and
Christians] tell you, do not verify them, nor falsify them, but say: We believe
in Allah and His Apostle. If it is false, do not confirm it, and if it is
right, do not falsify it.” (Translation of Sunan Abu-Dawud, Knowledge (Kitab
Al-Ilm), Book 25, Number 3637)"
ITO ANG NARARAPAT:
Ang katotohanan ay nararapat na pakitunguhan ang Biblia ayon sa Pahayag ng Allah sa Qur’an (sapagkat siya lamang ang Tunay na may Akda ng Lahat ng mga Kasulatan) at ayon sa pamamaraan ng Huling Sugo at Propeta ng Allah na si Muhammadﷺ (Sapagkat siya ang binigyan ng Huling Kapahayagan-Ang Maluwalhating Qur'an):
“HUWAG PATOTOHANAN AT HUWAG DIN PASINUNGALINGAN”
Ilang halimbawa kung paano ko ito isagawa:
*At marapat
ding huwag pabulaanan o pasinungalingan ang mga talata sa Biblia na may Diwa ng Mensahe ng
Nag-Iisang Tagapaglikha na sinasang-ayunan ng Banal na Qur’an.
Isang
halimbawa ng aking pananaw:
Bagama't ako ay hindi naniniwala na Salita ng Diyos ang Biblia, ay HINDI ko sinasabi na ang Biblia ay 100% na MALI ngunit HINDI rin naman ako naniniwala na ang Biblia ay 100% na TAMA.
Hindi ko PINAPATOTOHANAN ang mga talata na SALUNGAT o hindi sinasang-ayunan ng Maluwalhating Qur’an.
At sa kabilang banda naman ay Hindi ko
PINASISINUNGALINGAN ang mga talata na may DIWA ng mensahe ng Diyos na
Tagapaglikha na sinasang-ayunan ng Maluwalhating Qur’an.
Ilang halimbawa ng personal kong pagsusuri sa mga talata ng Biblia:
HALIMBAWA NG HUWAG PATOTOHANAN:
Sa Book of Revelation (Pahayag o Apocalipsis sa Tagalog), ay mababasa na si Hesus according sa Bible ay pumapatay ng mga inosenteng anak dahil sa kasalanan ng kanilang ina:
"20 Subalit mayroon akong bagay na laban sa iyo: hinahayaan mo ang babaing si Jezebel, na nagsasabing siya'y propeta. Sa pagtuturo ay inililigaw niya ang mga lingkod ko upang makiapid at kumain ng pagkaing inialay sa diyus-diyosan. 21 Binigyan ko siya ng panahon upang magsisi, subalit tumanggi siyang magsisi sa kanyang pakikiapid. 22 Tandaan mo, iraratay ko siya sa higaan ng karamdaman, maging ang mga nakiapid sa kanya ay itatapon ko rin sa matinding pagdurusa, maliban kung pagsisihan nila ang kanyang mga gawa. 23 TIYAK NA PAPATAYIN KO ANG KANYANG MGA ANAK. At malalaman ng lahat ng mga iglesya na ako ang sumisiyasat ng mga kaisipan at mga puso. Bibigyan ko ang bawat isa sa inyo ng nararapat sa inyong mga gawa." (Pahayag 2:20-23 Filipino Standard Version-Bible)
Ang
narrated story na ito ay HINDI KO PINANINIWALAAN. Ito ay HINDI KO PINAPATOTOHANAN, ito ay AKING IWINAWAKSI
sapagkat hindi magagawang pumatay ng inosenteng tao si Hesus dahil sa kasalanan ng iba. Ang DIWA ng talata na si Hesus ay pumapatay ng mga
inosenteng tao ay HINDI KATANGGAP-TANGGAP sa Banal na Qur'an.
HALIMBAWA NG HUWAG PASINUNGALINGAN:
Habang ang Aklat na ayon kay Marcos -
And Jesus answered him, “The first of all the commandments is, Hear, O Israel;
The Lord our God is one Lord.” – (Mark 12:29- Bible)
Hindi man
tayo sigurado kung ganito mismo kaeksakto na word for word, na sinabi ni Hesus
sa ganitong narration ng story, ay NANINIWALA AKO NA “God is One LORD”, - not
two, not Three Lord Persons.
Gayundin sa narrated story na sinabi ni Moses na -
Hear, O Israel: “The LORD our God is one LORD” - (Deuteronomy 6:4 –Bible)
Ang DIWA NG
MENSAHE na patungkol sa Tagapaglikha na GOD IS ONLY ONE LORD ay tanggap ng Banal
na Qur’an, kaya't ang DIWA na ito ay HINDI KO PINASISINUNGALINGAN at aking PINANINIWALAAN na ang Diyos ay isa lamang tulad ng mababasa sa Surah Al-Baqarah:
“At ang inyong Panginoon ay isang Diyos lamang. Wala nang iba pang diyos na karapatdapat sambahin maliban sa Kanya, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain.” (Qur’an Al-Baqarah 2:163)
At sa isa pang pahayag ng Allah sa Banal na Qur'an, maging si Hesus mismo ay nagsabi ng katotohanan sa harap ng mga lahi ni Israel na si Allah ang
kanyang Panginoon at kanilang Panginoon na natatangi lamang na dapat sambahin:
(Si Hesus ay nagsabi) : “At katotohanan, Si Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon. Kaya’t tanging Siya lamang ang dapat sambahin. Ito ang Tuwid na Landas.” (Qur’an Mariam 19:36).
……and Allah
Subhanahu wa ta 'Ala knows best!
CTTO: Michael Macapagal