MAINAM NA HUWAG AGAD TANGGALIN ANG IYONG KAMAY SA PANAHON NG PAKIKIPAGKAMAYAN
MAINAM NA HUWAG AGAD TANGGALIN ANG IYONG KAMAY SA PANAHON NG PAKIKIPAGKAMAYAN!
Kabilang sa maiman pag-uugali ng isang mananampalatayang Muslim
ay kapag siya ay naunang makipagkamayan ay hindi niya agad tatangalin ang
kanyang kamay maliban na lamang na ang taong kanyang kinamayan ay siyang
naunang tumanggal ng kanyang kamay, ito ay bilang parangal at pagdakila sa
kanya.
Isinalaysay ni Ana s Bin Malik na kanyang sinabi:
“Naging kaugalian ng Propeta (sumakanya ang biyaya at
kapayapaan), kapag nakasalubong niya ang isang lalaki ay kanya itong
kinakamayan at hindi niya tinatanggal ang kanyang kamay mula sa kamay ng lalaki
maliban na lamang na ang lalaki ang maunang magtanggal ng kanyang kamay” Ang
Hadith ay mainam ayon kay Shaikh Albani
روى الترمذي
(2490) ، وابن ماجة (3716) عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ، قَالَ: " كَانَ
النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا اسْتَقْبَلَهُ الرَّجُلُ
فَصَافَحَهُ لَا يَنْزِعُ يَدَهُ مِنْ يَدِهِ حَتَّى يَكُونَ الرَّجُلُ الَّذِي
يَنْزِعُ "
وحسنه الألباني
في " صحيح الجامع " (4780) .
Binanggit sa Fiqh Encyclopedia:
“Mainam na manatili ang dalawang kamay na nagkakamayan hanggang
sa matapos sa kanyang pagsasalita, o pagbati o pagtatanong sa kanyang mga
kailangan.
At hindi kanais-nais na madiliin ang pagtanggal ng taong
nakipagkamayan ang kanyang kamay sa taong kanyang kinamayan”
وجاء في "
الموسوعة الفقهية " (37/ 365):
" يُسْتَحَبُّ
أَنَّ تَدُومَ مُلاَزَمَةُ الْكَفَّيْنِ فِيهَا - يعني المصافحة - قَدْرَ مَا
يَفْرُغُ مِنَ الْكَلاَمِ وَالسَّلاَمِ ، وَالسُّؤَال عَنِ الْغَرَضِ ، وَيُكْرَهُ
نَزْعُ الْمُصَافِحِ يَدَهُ مِنْ يَدِ الَّذِي يُصَافِحُهُ سَرِيعًا " انتهى
-Ang pakikipagkamayan ay sa pagitan ng lalaki sa lalaki at babae
sa babae at maaari ring makipagkamayan ang babae sa kanyang Mahram (mga
lalaking hindi siya maaaring pakasalan) at sa kanyang asawa.
Ipinagbawal ang pakikipagkamayan ng babae sa mga lalaking hindi
niya Mahram, katulad ng kanyang pinsang lalaki, kapatid ng kanyang asawa o mga
ka-kilalang mga lalaki at iba pang malalayong kamag anak na lalaki.
CTTO: Zulameen Sarento Puti
READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME