ANG PAGBIBIRUAN AT PAGLALAMBINGAN AY KABILANG SA SUNNAH NG PROPETA
Ang Huwaran natin sa ating pananampalataya ay ang ating mahal na Propeta kung saan siya ay nakikipaglambingan sa kanyang pamilya, nakikipagbiruan sa kanyang mga kasamahah at minsan siya ay ngumingiti at tumatawa.
At kanyang ipinag-utos ang palagiang pagngiti sa kapwa.
Sinabi ng Propeta: “Ang iyong pagngiti sa mukha ng iyong kapatid
ay kabilang sa Sadaqa (kawanggawa)” Iniulat ni Imam At-Tirmidhi
فقال ـ صلى الله
عليه وسلم ـ : "تبسمك في وجه أخيك صدقة" رواه الترمذي
Isinalaysay ni Ubaidillah Bin Al-mugheera:
“Aking narinig mula kay Abdullah Bin Al-harith na kanyang
sinabi: “Wala akong nakitang tao na madalas ngumiti na hihigit pa sa Sugo ni
Allah” Iniulat ni Imam At-Tirmidhi
عن عبيد الله بن
المغيرة : سمعت عبد الله بن الحارث قال : ( ما رأيت أحدا أكثر تبسما من رسول الله
ـ صلى الله عليه وسلم ـ ) رواه الترمذي
-ANG MGA SAHABA "kasamahan ng Proepta" AY
NAKIKIPAGBIRUAN SA ISA'T ISA
Nang tanungin si Ibn Umar: “Ang mga kasamahan ba ng Sugo ni
Allah ay tumatawa? “
Kanyang sinabi: “Oo! sila ay tumatawa ngunit ang pananampalataya
sa kanilang mga puso ay mas higit pa laki ng bundok”
وقد سئل ابن عمر
ـ رضي الله عنهما ـ هل كان أصحاب رسول الله ـ صلى الله عليه وسلم ـ يضحكون ؟ ، قال
: نعم ، والإيمان في قلوبهم أعظم من الجبل .
ANG TANGING IPINAGBAWAL LAMANG SA PAGBIBIRUAN AT PAGTATAWANANAN
ay kapag ito may halong kasinungalingan upang mapatawa mo ang mga tao at
gayundin ipinagbawal ang pagmamalabis sa pagbibiruan at pagtatawanan.
CTTO: Zulameen Sarento Puti
READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME