ANG MGA ISYU AT ANG KASAGUTAN SA PAGDASAL NI USTADH AHMAD BARCELON KAY BRO. "KHALID" ROYETTE PADILLA


Nagkaisa ang lahat ng mga Ulama (pantas) ng pagbabawal sa paglibing ng isang Muslim sa libingan ng mga hindi Muslim at ang paglibing ng Hindi Muslim sa libingan ng mga Muslim maliban lamang sa DHAROORA (“matinding pangangailangan o matinding kagipitan”).

Sinabi ni Imam An-Nawawi (kalugdan siya ni Allah):

“Nagkaisa ang aming mga pantas (sa Mazhab Shafie “paaaralan ni Imam Shafie” ng pagbabawal sa paglibing ng isang Muslim sa libingan ng mga Hindi mga Muslim at ang paglibing ng Kafer sa libingan ng mga Muslim” ALMAJMOO 5/285

قال الإمام النووي – رحمه الله - : " اتفق أصحابنا رحمهم الله على أنه لا يُدفن مسلم في مقبرة كفار ، ولا كافر في مقبرة مسلمين " انتهى من " المجموع " ( 5 / 285 ) .

Kapag walang ibang libingan sa isang bansa o isang bayan maliban lamang sa libingan ng mga hindi Muslim, maaari bang ilibing ang isang pumanaw na Muslim doon sa nasabing libingan?

Ang pinaka mainam na gawin ng mga Muslim sa nasabing lugar o bayan ay gumawa sila ng hiwalay na libingan para lamang sa mga Muslim,

Ngunit kung sila ay walang kakayahang magpagawa ng sariling libingan o hindi nila kayang bumili ng lupa para gawing libingan o hindi nagpahintulot ang kinauukulan ng nasabing bayan ng hiwalay na libingan para sa mga Muslim,

Sa ganitong kalagayan, maaari nilang ilipat ang pagpapalibing sa ibang bayan na may libingan ng mga Muslim.

Ngunit kapag hindi parin ito nagawa o  hindi nagpahintulot ang gobyerno ng hiwalay na libingan o mailibing sa ibang bayan o hindi pumayag ang pamilya ng namatayan na mailibing sa libingan ng mga Muslim at kung sakali ito ay ipipilit,  maaaring magdudulot ng mas malaking pinsala (fitnah),

Sa ganitong kalagayan, Ipinahintulot na ito ay mailibing sa libingan ng mga hindi Muslim dahil sa ito ang mas nakakabuti kumpara sa mas malaking pinsala na magiging dulot nito.

Ang paglibing sa libingan ng mga Hindi Muslim ay siyang mas magaan na pinsala nito kumpara sa kalagayan na hindi na ito ay hindi mailibing.

Binanggit sa sa Aklat na Jurisprudence Encyclopedia 19/21

“Nagkaisa ang lahat ng mga pantas (ulama) ng pagbabawal sa paglibing ng isang yumaong Muslim sa libingan ng mga hindi Muslim at gayundin ipinagbawal ang paglibing ng Hindi Muslim sa libingan ng mga Muslim maliban lamang sa DHAROORA “matinding pangangailangan”

وجاء في " الموسوعة الفقهية " ( 21 / 19 ) : " اتفق الفقهاء على أنه يحرم دفن مسلم في مقبرة الكفار وعكسه إلا لضرورة " .

Kung sakali ito man ay mailibing sa libingan ng hindi mga Muslim at makayanan na magawan ng bakuran sa pagitan nito at ang libingan ng mga hindi Muslim ay siyang mainam, ngunit kung talagang wala ng kakayahan sa bagay na ito ay nahuhulog na ito sa tinatawag na Dharoora "matinding kagipitan"

Maaari rin tingnan ang Fatwa na ito sa ISLAMQA # 180576



Sa kalagayan ng mga kapatid natin na mga Balik-Islam,

Amin pong ipinapayo sa inyo na sikapin ninyong magpagawa ng last will and testament na nasasaad sa nasabing testamento na kapag kayo ay pumanaw ay isasagawa sa inyo ang Janazah ng isang Muslilm.

Kapag wala po ito, Walang kakayahan ang ating mga kapatid na kayo ay mabigyan ng marangal na Janazah maliban lamang kung ipapahintulot ng inyong pamilya.

 

CTTO: Zulameen Sarento Puti


READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME


Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?

HUWAG KANG MAIINIS