MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)
(Mas pinalawak at tigib ng kaalaman)
ANG PANGUNAHING PINAGKUKUNAN NG
BATAS NG ISLAM
1) Quran (ang Aklat ni
Allah)
2) Sunnah (ang salawikain, gawain, katangian at kapahintulutan ni
Propeta Muhammad)
3) Ijma (ang napagkaisahan ng mga mabubuting sinaunang pantas)
4) Qiyas (paghahambing)
ANG PANGALAWANG PINAGKUKUNAN NG
BATAS NG ISLAM
1) URF (local custom
o kaugalian o kostumbre)
2) MASALIH MURSALA (Jurisprudential interest - kapakanan)
3) QAUL SAHABI (Pahayag ng Sahaba (kasamahan ng Propeta)
4) SHAR-U MAN QABLANA (Batas ng sinauna)
5) ISTIHSAN (Juristic Preference - mabuting pananaw ng isang Mujtahid
(nagpapalabas ng batas)
6) ISTISHAB (ang pagpapanatili sa bisa ng batas hanggang sa dumating ang
isang batayan na mas malakas na nagpapawalang bisa sa naunang batas”)
7) SADDU AD-DZARI'AH (Pagpipigil sa anumang kapinsalaan)
ANG PALIWANAG AT KAHULUGAN NG MGA
PANGALAWANG PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM
Pagkatapos natin maipaliwanag ang
pangunahing pinagkukunan ng batas sa Islam ay atin naman ipapaliwanag sa
maikling paglalahad ang pangalawang batayan sa Islam.
1) URF (local custom
o kaugalian o kustombre)
Kahulugan nito:
Ayon sa mga pantas: “Anumang kaugalian o kustombre na tanggap ng mabubuting tao
at panatag ang nakakarami sa paggamit nito, ito man ay gawa o salita.
Halimbawa: “Nararapat ang
sustento ng magulang sa kanilang mga anak na naaayon sa kakayahan ng magulang
sa katamtamang paraan.
Binanggit sa Quran “…datapuwa’t
ang ama ang siyang mananagot sa sustento ng anak sa halaga ng pagkain at
kasuutan sa katamtamang paraan” 2:232
Sa talatang nabanggit, hindi
inihayag ang sukat ng katamtamang sustento. Kaya ang tanging batayan para
malaman ang tamang sukat ay balikan ang kaugalian o nakasanayan ng nasabing
lugar o bansa”
- Ang paggamit ng kaugalian
bilang batayan sa ganitong sitwasyon ay walang pagkakaiba ang mga pantas, at
ang pag iwan sa ganitong batayan ay isang kapinsalaan.
- Anumang kaugalian o kustombre
na taliwas sa turo ng Islam katulad ng pagpapatubo sa utang (5-6) o pagsagawa
ng ipinagbabawal sa Islam ay hindi maituturing bilang batayan.
- Maituturing bilang batayan sa
batas ng Islam ang paggamit ng kaugalian o Kustombre ng isang bansa ngunit ang
pangunahing utos na paggamit nito ay nakasalalay parin mula sa Quran at Hadith
at hindi maaaring gamitin ito bilang hiwalay na pagkukuhanan.
2) MASALIH MURSALAH (Jurisprudential
interest (kapakanan)
kahulugan nito:
Ang Maslaha ayon kay Ibn Quddama:
“kunin ang nakakabuti at iwaksi o lumayo sa mga nakakapinsala”
Uri ng kapakanan:
a. Kapakanang sinang-ayunan ng
batas ng Islam.
Halimbawa: ang pagkain at pag-inom upang mapanatili ang kalusugan. Ang batas ng
Islam ay nag-uutos sa pangangalaga sa ating kalusugan (katawan) laban sa anuang
kapinsalaan. Ang bagay na ito ay napagkaisahan ng lahat ng pantas
b. Kapakanang may halong pag
aalinlangan na kung saan ang batas ng Islam ay nagkaroon ng pagtutol hinggil
dito,
Halimbawa: ang pagpataw ng parusang kamatayan sa maliit na kasalanan.
Nagkaisa ang lahat ng pantas na ito ay hindi maituturing na batayan mula sa
Masalih (kapakanan)
c. Kapakanang walang halong
pagsang-ayon at pagtutol mula sa batas ng Islam. Ang bagay na ito ay maituturig
lamang bilang batayan kapag kapag may pag sang-ayon mula sa apat na pangunahing
pinagkukunan ng batas ng Islam. At kapag napatunayan na ito ay salungat sa
katuruan ng Islam ay hindi ito maituring bilang batayan.
Nagkaisa ang lahat ng pantas na ang Masalih (kapakanan) ay hindi maaaring
gamitin bilang batayan sa lahat ng uri ng ibadah (pagsamba), ngunit sa mga
usaping pakikipag-ugnayan "muamalat" sa kapwa sa lahat ng uri nito o
alituntunin at kaugalian ay walang pagkakaiba ang mga pantas sa pagtanggap
hinggil dito.
3) QAUL SAHABI (Pahayag ng
Sahaba (kasamahan ng Propeta)
Sino ang maituturing na Sahaba
(kasamahan ng Propeta)?
Matatawag lamang ang tao na
Sahaba (kasamahan ng Propeta) kapag nakita niya ang Propeta o nakasama at siya
yumakap sa Islam at inabutan ng kamatayan na nasa kalagayang Muslim”
-Ang pananaw o pahayag ng Sahaba
ay maituturing bang batayan sa batas ng Islam?
-Maituturing batayan sa batas ng
Islam ang anumang pahayag ng Sahaba na “hindi kilala na nag-uulat mula sa mga
angkan ng kasulatan” o ang kanyang pahayag ay hindi paglilinaw mula sa wika o
paglilinaw sa bagay na hindi mauunawaan at ang kanyang pagpapaliwanag ay hindi
bilang kuro-kuro”
-Ang usapin ay hindi pinahintulot
ang sariling opinion kailangan nakabase lamang sa ulat mula sa Quran o Hadith
Ang kanyang pahayag ay hindi sumasalungat sa Quran at Hadith
-Ang kanyang pahayag ay walang
maliwanag na pagtutol mula sa ibang Sahaba. Ang mga bagay na ito ay
pinagkaisahan ng lahat ng mga panatas. Ang pag-uutos sa pagsunod sa kanila ay
alinsunod narin sa sinabi ng Propeta na panghawakan ang kanyang pamamaraan at
pamamaraan ng kanyang mga Sahaba.
4) SHAR-U MAN QABLANA (Batas ng
sinauna)
Kahulugan nito:
“mga batas at alituntunin na inihayag ni Allah sa mga naunang Ummah (pamayanan)
sa pamamagitan ng mga Propeta na ipinadala sa kanila katulad nila Propeta Nuh,
Ibrahim, Moosa, Eisa at ibapa. ang mga batas na ito ay binanggit sa Quran o sa
Hadith ni Propeta Muhammad at hindi kabilang dito ang naiulat mula sa bibilya
dahil ang anumang nasa bibliya ngayon ay hindi mapapanaligan.
- Maituturing ba ang batas ng
sinauna bilang batayan?
Ang batas ng sinauna ay nahahati
sa tatlo:
a. Mga batas na pinawalang saysay ng Quran o Hadith ng Propeta. Nagkaisa ang
mga pantas na ito ay wala ng saysay at hindi na maituturing bilang batayan.
Halimbawa: ang mga makasalanan sa
panahon ni Propeta Moosa, mapapatawad lamang ang kanilang kasalanan kung
papatayin nila ang kanilang mga sarili.
b. Mga batas ng sinang-ayunan ng
Shareah katulad ng pag-uutos ng pag-aayuno kahit may pagkaiba ng pamamaraan
nito. Sa bagay na ito ay nagkaisa rin ang mga pantas na ito ay kabilang sa
batayan.
c. Mga batas na walang pag sang-ayon at wala ring pagtutol mula sa Shareah. Ang
pinaka tamang pananaw hinggil dito ay maituturing din siya bilang batayan.
5) ISTIHSAN (Juristic
Preference) mabuting pananaw ng isang Mujtahid
Kahulugan nito:
Ayon kay Ibn Quddama: “Ang
pagpapalit o pagbabago ng dating hukom o batas ng panibagong batas na sinang
ayunan ng matibay na basehan mula Quran, Hadith at pinagkaisahan ng mga Pantas.
Halimbawa: “Ang pagbebenta ng
isang item na may paunang bayad at pagkatapos ay ibibigay ang nasabing item sa
napagkasunduang araw” alam naman natin na ipinagbabawal ang pagbenta ng item na
hindi pa natin hawak o pagmamay-ari, ngunit sa usaping “the contract of Salam”
ay ipinahintulot
-Mabilang lamang batayan ang
“ISTIHSAN” kapag ang huling basahen na pinanghawakan ay mas malakas kumpara sa
nauna na ayon sa pananaw ng Mujtahid “may kakayahang tumingin sa mga batayan.”
6) ISTISHAB (“ang
pagpapanatili sa bisa ng batas hanggang sa dumating ang isang batayan na mas
malakas na nagpapawalang bisa sa nauna”)
Halimbawa: ang tubig sapa ay
likas na malinis at maaaring gamiting panglinis maliban lamang kung may malakas
na batayan na ito ay hindi na malinis.
7) SADDU AD-DZARI'AH (Pagpipigil sa
anumang kapahamakan)
Kahulugan nito: ayon sa mga
pantas: “ Bagay na ipinahintulot gawin ngunit maaaring hahantong ang gawain na
ito sa isang kapahamakan o kasiraan kaya ipinag-uutos ang pagpipigil hinggil
dito.
Halimbawa: Ang pagbebenta ng ubas
(grapes) ay ipanahintulot ngunit kung ang pagbebentahan nito ay gagawing alak,
sa puntong ito ay ipnagbawal sa kanya na ibenta ito. Ang bagay na ito ay
pinagkaisahan ng lahat ng pantas.
ALALAHANIN NA
ANG LAHAT NG MGA BATAYAN NA MALIBAN SA QURAN AT HADITH AY PAWANG HINANGO PARIN
MULA SA DALAWA.
CTTO: Zulameen Sarento Puti
Maaring Balikan ang Unang Bahagi: MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)
READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME