DALAWANG PANGKALAHATANG PRINSIPYO SA ISLAM NA SUMASAKLAW SA NAPAKALAWAK NA USAPIN SA ISLAM
UNANG PRINSIPYO:
“Lahat ng mga bagay at gawain na
hindi natatangi sa gawaing IBADAH O PAGSAMBA ay ipinapahintulot na gawin
maliban lamang kung may matibay na batayan ng pagbabawal”
الأصل في الأشياء الإباحة حتى يدل الدليل على التحريم
PANGALAWANG PRINSIPYO:
“Ang lahat ng pagsasagawa ng
IBADAH “gawaing pagsamba” ay ipinagbawal isagawa maliban lamang kung may
matibay na batayan ng pag-uutos sa pagsasagawa nito o may pagsang-ayon mula sa
batas ng Islam na ito ay dapat isagawa”
والأصل في العبادات المنع والتوقيف،
Saklaw ng dalawang Pangkalahatang
Prinsipyo ang malawak at maraming usapin sa Batas Islamiko at ito’y kasagutan
narin sa mga naghahanap ng batayan.
NARITO ANG IILANG USAPING
SUMASAKLAW SA UNANG PRINSIPYO:
1- Lahat ng usaping may ugnayan
sa:
Kagandahan ng asal, kalakalan”business”, kostumbre o kaugalian” customs” at
ugnayang pantao ay ipinahintulot gawin maliban lamang kung may matibay na
DALEEL (batayan) ng pagbabawal.
2- Ang lahat ng pagkain at inumin
ay Halal “ipinahintulot” maliban lamang kung may matibay din na Daleel
"batayan” ng pagbabawal
3- Ang lahat ng uri ng kalakalan
ay ipinahintulot na gawin maliban lamang kung may matibay na batayan “Daleel”
ng pagbabawal
4- Ang lahat ng usaping may
ugnayan sa pakikipagkapwa ay ipinahintulot maliban kung may matibay na batayan
“Daleel” ng pagbabawal at marami pang iba.
Kaya, sa nasabing usapin, kapag
walang DALEEL "batayan" ng pagbabawal ay ipinahintulot itong isagawa
at hindi na nangangailangan ng karagdagang DALEEL "batayan" kung
bakit ito ipinahintulot, dahil ito ay isang kaluwagan mula sa batas ng Islam.
NARITO ANG IILANG USAPING
SUMASAKLAW SA PANGALAWANG PRINSIPYO:
1-Ang lahat ng uri ng IBADAH
“gawaing pagsamba” ay ipinagbawal isagawa maliban kung may matibay na batayan
“Daleel” ng pag-uutos o pagpapahintulot.
2-Ang pangangalaga sa puri at
dangal ay isa sa pangunahing dapat pangalagaan at hindi ito ipinapahintulot na
angkinin o galawin maliban kung may matibay na batayan ng pagpapahintulot sa
pamamagitan ng legal na pag-aasawa.
3- Ang lahat ng usapin sa Aqeeda
“paniniwala at pananampalataya” at Ilmul ghaib (kaalamang lingid) ay bawal
magbigay ng sariling kuro-kuro maliban kung may matibay na batayan “Daleel”
Kaya, Sinumang nagnanais
magsagawa ng pagsamba (IBADAH) anumang uri nito, ay tiyakin niya aa may DALEEL
"batayan" ang nasabing IBADAH
at kung wala siyang maipakitang
batayan ng pag-uutos mula sa mapanaligang batayan sa Islam sa nasabing IBADAH O
PAGSAMBA ay katunayan siya ay nag-embento ng sarili niyang IBADAH, kaya
mahuhulog ito sa gawaing BID'AH na mahigpit na ipinagbabawal sa ISLAM katulad
ng pagdiriwang ng MAULIDAN NABI "pagdiriwang ng kapanganakan ng
Proepta"
NARITO ANG BATAYAN NG DALAWANG
PANGKALAHATANG PRINSIPYO NA HINANGO MULA SA QUR’AN AT HADITH NG PROPETA:
Sinabi ni Allah:
“At nilikha Niya para sa inyong Kapakinabangan ang lahat ng mga nasa kalangitan
at ang lahat ng nasa kalupaan….”
قول الله تعالى:" وَسَخَّرَ لَكُم مَّا فِي
السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا ....." {الجاثية:13.
Sinabi ni Propeta Muhammad
(sumakanya ang biyaya at pagpapala):
“Ang Halal ay kung ano ang
ipinahintulot ni Allah na Halal sa mula sa kanyang Aklat (kabilang dito ang
ipinahintulot ng Propeta) at ang Haram ay kung ano ang ipinagbawal ni Allah na
Haram mula sa kanyang aklat (kabilang dito ang ipinagbawal ng Propeta), at kung
anuman ang hindi niya binanggit ay isang kapatawaran (kapahintulutan) sa atin”
فقال صلى الله عليه وسلم: "الحلال ما أحل الله في كتابه ،
والحرام ما حرم الله في كتابه وما سكت عنه فهو مما عفا عنه".
رواه الترمذي وحسنه الألباني.
Sinabi ni Propeta Muhammad
(sumakanya ang biyaya at pagpapala):
“Ang sinumang gumawa ng makabago sa relihiyon ito (anumang uring pagsamba o
pananampalataya) na wala dito (at walang pahintulot mula sa amin) ay ito ay
matatanggihan “hindi tatanggapin.”
فقال صلى الله عليه وسلم:
"من أحدث في أمرنا هذا ما ليس منه
فهو رد
CTTO: Zulameen Sarento Puti
editors note:
Basahin ang iba pang mga Artikulo na may kaugnayan sa ilalim ng Batas Islamiko: