HATOL SA PAGDASAL SA MASJID NA MAYROONG LIBING SA LOOB NITO O SA GILID

HATOL SA PAGDASAL SA MASJID NA MAYROONG LIBING SA LOOB NITO O SA GILID

Hindi ipinhintulot na magkasama ang isang Masjid (bahay dasalan) at ang isang libingan sa iisang lugar, bagkus saan man ang huling itinayo ay siyang tatangalin.

-Kapag itinayo ang isang Masjid sa may libingan ay kailangan gibain ang Masjid at ilipat sa ibang lugar.

Gayundin kung iniligay ang isang libingan sa loob ng Masjid ay kailangan hukayin ang libingan at ilipat sa ibang libingan.

Sinabi ng Mahal na Propeta: (sumakanyan ang biyaya at kapayapaan):

"Tunay ang mga nauna sa inyo ay kanilang ginawa ang mga libingan ng kanilang mga Propeta at matutuwid na tao bilang mga Masjid. Kaya, huwag ninyong gagawin ang mga libingan bilang mga Masjid sapagkat ito ay aking ipinagbawal sa inyo." Isinalaysay ni Imam Muslim

حديث: " أَلاَ وَإِنَّ مَنْ كَانَ قَبْلَكُمْ كَانُوا يَتَّخِذُونَ قُبُورَ أَنْبِيَائِهِمْ وَصَالِحِيهِمْ مَسَاجِدَ أَلاَ فَلاَ تَتَّخِذُوا الْقُبُورَ مَسَاجِدَ إِنِّى أَنْهَاكُمْ عَنْ ذَلِكَ". رواه مسلم

 

Nagkaisa ang mga pantas (ulama) na sinumang magdasal sa isang Masjid na mayroong libingan sa loob nito na ang kanyang paniniwala na ang Masjid na ito ay nakakahigit kaysa sa ibang Masjid o ang kanyang paniniwala na ito ay mabiyaya o siya ay nagsasagawa ng pamamgitan dito, katunayan! Ang kanyang dasal (Salah) ay mawawalan ng Saysay.

Ngunit, kung wala siyang paniniwala na ganito bagkus siya ay nagdasal lamang, Ayon sa iilang pantas ito ay maituring na Makruh (hindi kanais-nais)

Alinsunod sa naiulat mula sa isang Hadith: “Nilikha sa akin (Propeta) ang kalupaan bilang Masjid (lugar dasalan) at gagamiting panlinis”

«وَجُعِلَتْ لِي الأَرْضُ مَسْجِدًا وَطَهُورًا»

 

Ngunit sa pananaw ng iilang pantas (ulama) na siyang pinaka malakas na pananaw ay ang pagdasal dito ay hindi ipinahintulot

Alinsunod sa Sinabi ng Mahal na Propeta: (sumakanyan ang biyaya at kapayapaan):

“Huwag kayong umupo dito (libingan) at Huwag din kayong dadasal rito”

قوله صلَّى الله عليه وسلَّم: «لَا تَجْلِسُوا عَلَى القُبُورِ وَلَا تُصَلُّوا إِلَيْهَا»

 

Ang Hadith na binanggit na nagsabi ng Makruh (hindi kanais-nais) ay pangkahalatan at ang Hadith naman na binanggit ng nagbabawal ay natatangi.

Ayon sa pananaw ng ualam ng OSOOL “Principle of Islamic Jurisprudence” :

 

Kapag nagkasalungatan ang pangkalahatan sa natatangi, kukunin na hatol ang natatangi.

Kaya ang pinaka tamang pananaw ay:

IPINAGBAWAL ANG PAGDASAL SA MASJID NA MAY LIBINGAN SA LOOBN NITO O SA GILID.

Dagdag Kaalaman:

-Ang sinumang nagsalah sa Masjid habang alam niya na merong libingan rito, o kaya sa kanyang harapan ay merong libingan na walang harang, kinakailangan niyang ulitin ang Salah.

Kung hindi niya alam at pagkatapos nalaman niya na meron palang libingan, ang kanyang Salah ay tama.

 

-MAHALAGANG PAALAALA:

Ang pagbabawal sa paglibing sa loob at labas ng Masjid ay kautusan ng Propeta at hindi po galing sa sinumang tao, kya ito rin ang pinanghawakan ng mga ulama sa pangunguna ng mga Mufti.

Hinggil naman sa case ng libingan ng Propeta na makikita sa tagiliran ng kanyang Masjid sa Madinah, ganito po ang buong pangyayari.

Noong ilibing ang Propeta, siya po ay inilibing sa kanyang tahanan at hindi po sa loob ng Masjid at ito ay malayo sa Masjid.

Noong nagkaroon ng expansion sa Masjid Nabawi sa panahon ng Umayyad Empire, inabutan ng nasabing expansion ang tagiliran ng libingan ng Propeta.

Nagprotesta ang karamihan sa mga Ulama na huwag itong ipasok alinsunod din sa kautusan ng Propeta na nabanggit sa nasabing Hadith,

Ngunit wala silang nagawa dahil sa kautusan ng hari sa panahon nila.

At dahil sa hindi na maiwasan na maisali ang tagiliran ng libingan ng Propeta nong isagawa ang pagpalawak sa Masjid dahil ang lugar ay maliit at masikip,

Sinikap parin nila na mailihis ito upang hindi makaharap ang mga nagsasagawa ng pagdarasal sa mismong libingan ng Propeta.

Ganun pa man, hindi maging batayan ang pagkapasok ng tagiliran ng libingan ng Propeta na ito ay ipinahintulot bagkus kung ano ipinag-utos ng Propeta ay siya paring masusunod, at hindi ang ginawa ng tao at ang Propeta ay wala siyang kaalaman sa bagay na ito.


CTTO: Zulameen Sarento Puti


READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME

 

 

Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?

HUWAG KANG MAIINIS