HUWAG KANG MAIINIS

 

Tungkulin natin ang IPALIWANAG LAMANG ang mensahe ng Islam sa abot ng ating makakaya at nalalaman:

“Kaya’t paalalahanan mo sila, ikaw ay isa lamang tagapagpa-alala. Ikaw ay walang kapangyarihan sa kanila na pilitin sila upang sumampalataya kay Allah.” (QUR’AN Al-Ghashiyah 88:21-22)

 

HUWAG KANG MAIINIS kapag ang alinmang aspeto sa Islam ay pinupuna o itinatakwil. Tanggapin man nila ito o hindi, wala na sa atin ang pananagutan.


“Walang sapilitan sa relihiyon. Sadyang mangingibabaw ang Katotohanan sa kamalian…” (QUR’AN Al-Baqarah 2:256)

 

HUWAG KANG MAIINIS sa sinumang kausap na tila sarado ang kaisipan o kaya’y may pagkapilosopo, MAGING MATIYAGA AT MAPAGPASENSYA, baka siya pa ang tumanggap ng Islam sa hinaharap. Ang Kaligtasan ay tanging nasa HABAG ng Allah.

“SINUMANG PATNUBAYAN NG ALLAH AY WALANG MAKAPAGLILIGAW SA KANYA AT SINUMANG NASA LIGAW AY WALANG MAKAPAG-GAGABAY SA KANYA MALIBAN SA ALLAH”

 

HUWAG KANG MAIINIS kung hindi mo batid ang lahat ng kasagutan sa anumang katanungan. Ang isang tao na nagsasabing alam na niya ang lahat ay matatawag pa rin na isang mangmang. Mabuting sabihin na, “Hindi ko alam iyan, hayaan mo’t itatanong natin iyan sa mga dalubhasa o sa mas nakakaalam.”

Maging ikaw man ay isang “Alim” o gaano man kataas ang iyong pinag-aralan o narating sa buhay, laging suriin ang sarili laban sa pagmamalaki..

 

“ANG PAGSASABI NG HINDI KO ALAM AY KALAHATI NG KAALAMAN.” (Abu Dawud).

 

HUWAG KANG MAIINIS, sa tuwing ika’y nababahala at nawawalan ng lakas ng loob sa kung ano ang iyong sasabihin. Laging hingin sa Allah na ika’y tulungan sa iyong mga bibigkasin. Tumawag sa Kanya at manalangin na tulad ni Propeta Moises na nabanggit sa Banal na Qur’an:

“O aking Panginoon! Buksan Mo sa akin ang aking dibdib, at gawing magaan sa akin ang aking tungkulin. At luwagan ang buhol sa aking dila upang maunawaan nila ang aking sasabihin.” (QUR’AN Ta-Ha 20:25-28)

 

HUWAG KANG MAIINIS, ang maikling “du’aa” na may pananampalataya ay sapat, kaya ikaw ay magsabi:

رَّبِّ زِدْنِى عِلْمًا

Rabbi zidni ilmaa

 …“O Aking Panginoon! Inyong dagdagan ang aking kaalaman!” (Qur’an Ta-Ha 20:114)


HUWAG KANG MAIINIS, isang payo’t paala-ala sa ating Ummah, una sa aking sarili!!!

 

“Sino pa ba ang huhusay sa pananalita ng isang nag-aanyaya tungo sa landas ng Allah, gumagawa ng mabuti, at nagsasabing tunay na ako’y nabibilang sa mga Muslim.” (QUR’AN Fussilat 41:33)

 

“Anyayahan mo ang sangkatauhan sa Landas ng iyong Panginoon ng may karunungan at mahusay na talakayan at makatwirang pangangaral, at makipagtalo ka sa kanila sa paraang pinakamahusay. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Lubos na Nakababatid kung sino ang napaligaw mula sa Kanyang Landas, at Siya ang Ganap na Nakakaalam kung sino ang mga napapatnubayan.” (QUR’AN An-Nahl 16:125)

 

….at si Allah Ang PINAKA-MAALAM, Ang Tigib ng Habag at Karunungan!!!


CTTO: Michael Macapagal


READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME

Popular posts from this blog

ANO ANG KAHULUGAN NG RELIHIYON?

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 1)

MGA PINAGKUKUNAN NG BATAS SA ISLAM (PART 2)

ANO ANG TUNAY NA UGALI NG MUSLIM NA LALAKI?

MAY KARAPATAN BA ANG BABAE NA TUMANGGI O AYAW NA MAGPAKASAL?

ANG PANGANIB NG RIYA "pakitang tao" AT SUM'A "pagpaparinig"

‘DI BA SABI MO, SALITA NG DIOS ANG BIBLIA…EH KANINONG SALITA ITO?

ANO ANG AKING PANANAW SA BIBLIA BILANG ISANG MUSLIM?

ANO BA ANG INAMIN MISMO NI PABLO TUNGKOL SA KANYANG PINAGDADALDAL AT PINAGSUSULAT SA BIBLIA?