ANO ANG HATOL SA "HIJAB DAY O HIJAB MONTH"?
Tanong: Ano ang hatol sa "Hijab day o Hijab month" na bagong pagdiriwang na ipinanukala ng gobyerno para sa mga Muslim? Sagot: Ito po ay isang uri ng Bid'ah (gawain at katuruan na hindi mula sa aral ng Dakilang Lumikha Allâh ﷻ at sunnah ni Propeta Muhammad ﷺ ) na nais ng mga hindi Muslim na gawing okasyon o pagdiriwang bilang katumbas ng kanilang mga pagano at imbentong pagdiriwang o okasyon... tulad ng kanilang IMBENTONG Mother's day, Father's day, Valentine's day...etc! Ang Hijab o pagsuot ng tabing sa sarili bilang pagsunod sa Dakilang Lumikha Allâh ﷻ ay araw-araw, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo sa buhay ng isang Muslim. Nararapat kung gayon na huwag tangkilikin na saka lamang magsuot ng Hijab sa tuwing darating ang itinakdang araw o buwan ng mga hindi Muslim aka "Hijab day o Hijab month" kuno! Sinuman ang gumagaya o nakikipagdiwang sa kanila ay kabilang sa kanila! Ang Dakilang Lumikha, Allah ay nagwika: يٰٓأَيُّهَ...