ANG PAGDIRIWANG, PAGBABATIAN AT PAGLAHOK SA SELEBRASYON NG VALENTINES AY HARAM AT KARUMAL-DUMAL NA GAWAIN
ANG PAGDIRIWANG, PAGBABATIAN AT PAGLAHOK SA SELEBRASYON NG VALENTINES AY HARAM AT KARUMAL-DUMAL NA GAWAIN.
ANG BAGAY
NA ITO AY PINAGKAISAHAN NG LAHAT NG PANTAS (ULAMA) AT ANG MGA MATUTUWID NA
MANANAMPALATAYA!!!
Sa Islam ay
dalawa lamang ang pinahintulutang pagdiriwang, ito ay:
1-EIDUL
FITER
2-EIDUL
ADHA
At maliban
dito sa dalawang nabanggit ay maaaring mahulog sa HARAM, BID’AH O maaaring
humantong sa KUFR (pagtatakwil sa relihiyon)
SA
PAGDIRIWANG NG VALENTINES, NAPAPALOOB RITO ANG NAPAKARAMING KASALANAN NA HINDI
MAKIKITA SA IBANG IPINAGBAWAL:
1- BID’AH
Hindi
ipinahintulot na ipagdiwang ang VALENTINES dahil ito ay kabilang sa paggaya sa
selebrasyon ng hindi mananampalataya na walang batayan sa Islam at Ang Mahal na
Propeta ay nagbigay ng matinding babala hinggil dito.
Sinabi ng
Mahal na Propeta (sumakanya nawa ang biyaya at kapayapaan):
“Ang
sinumang gumawa ng gawaing pagsamba na hindi naaayon sa aming gawain ay walang
saysay (hindi katanggap-taanggap" Inipon ni Imam Muslim
قال رسول الله صلى
الله عليه وسلم : (من عمل عملا ليس عليه أمرنا فهو رد) مسلم
2-HARAM
Napapaloob
dito ang napakaraming ipinagbabawal sa Islam:
a- Ang
paghahalo ng lalaki at babae na hindi Mahram at gayundin ang kanilang pagsasama
(dating), magkamayan, yakapan, halikan o maaaring humantong sa ilegal na
ralasyong sekswal
b-
Paglustay ng kayamanan sa pamamagitan ng pagbigay ng regalo, pagsuot ng
natatanging kulay ng damit (red), pagkikita sa isang eksklusibong lugar (resto,
park, sinihan o hotel)
c- Paggamit
ng musika at pag-awit
d- Pagsunod
sa sariling kagustuhan (sariling pagnanasa) at Paglayo sa tamang katuruan
3-KUFR
(Pagtakwil o pagtalikod sa relihiyon)
Malalabas
ang tao sa Islam (KAFIR) kapag ang kanyang pagdiriwang sa VALENTINES DAY ay:
a- Bilang
pagpupugay sa pagka-patron (pagka-santo) ni SAN VALENTIN
b-
Pinaniniwalaan niya na ang pagdiriwang ng VALENTINES DAY ay ipinahintulot sa
Islam
Ang tamang
pagmamahalan na itinuro ng ISLAM ay pagmamahalan na walang natatanging panahon,
bagkus ito ay isasagawa sa lahat ng panahon at sa mga bagay na HALAL lamang
katulad ng pagmamahalan ng mag-asawa, magpamilya at magkakapatid sa
pananampalataya!!
Alinsunod
sa sinabi ng Propeta:
“Kapag
minahal ng lalaki ang kanyang kapatid (sa pananampalataya) ay ipabatid niya sa
kanya ang kanyang pagmamahal”
Ang Hadith
ay Authentic ayon kay Albani
حديث: ( إِذَا
أَحَبَّ الرَّجُلُ أَخَاهُ فَلْيُخْبِرْهُ أَنَّهُ يُحِبُّهُ ) رواه أبو داود
(رقم/5124) وصححه الألباني في "السلسلة الصحيحة
Sinabi ng
Propeta (sumakanya ang biyaya at pagpapala):
“Hindi kayo
makakapasok sa paraiso hangga’t hindi kayo naniniwala at hindi kayo tunay na
naniniwala hangga’t hindi kayo nagmamahalan….”Iniulat ni Imam Muslim
وقال صلى الله عليه
وسلم: "لا تدخلوا الجنة حتى تؤمنوا ولا
تؤمنوا حتى تحابوا.." رواه مسلم
CTTO: Zulameen Sarento Puti
READ MORE POSTS-BACK TO:--->>>HOME