HUWAG KANG MAIINIS
Tungkulin natin ang IPALIWANAG LAMANG ang mensahe ng Islam sa abot ng ating makakaya at nalalaman: “Kaya’t paalalahanan mo sila, ikaw ay isa lamang tagapagpa-alala. Ikaw ay walang kapangyarihan sa kanila na pilitin sila upang sumampalataya kay Allah.” (QUR’AN Al-Ghashiyah 88:21-22) HUWAG KANG MAIINIS kapag ang alinmang aspeto sa Islam ay pinupuna o itinatakwil. Tanggapin man nila ito o hindi, wala na sa atin ang pananagutan. “Walang sapilitan sa relihiyon. Sadyang mangingibabaw ang Katotohanan sa kamalian…” (QUR’AN Al-Baqarah 2:256) HUWAG KANG MAIINIS sa sinumang kausap na tila sarado ang kaisipan o kaya’y may pagkapilosopo, MAGING MATIYAGA AT MAPAGPASENSYA, baka siya pa ang tumanggap ng Islam sa hinaharap. Ang Kaligtasan ay tanging nasa HABAG ng Allah. “SINUMANG PATNUBAYAN NG ALLAH AY WALANG MAKAPAGLILIGAW SA KANYA AT SINUMANG NASA LIGAW AY WALANG MAKAPAG-GAGABAY SA KANYA MALIBAN SA ALLAH” HUWAG KANG MAIINIS kung hindi mo batid ang lahat ng kasag...